Ricky Davao says Janine Gutierrez is the "better Lotlot;" what is Janine's reaction?

IMAGE Noel Orsal

Janine Gutierrez downplays claims that she has surpassed her mom Lotlot de Leon in the acting department: "Hindi ko po maa-acknowledge. Mas magaling po si Ms. Lotlot kesa sa akin! Siyempre ano, e, iba si Mama. Sana balang-araw makaya ko din yung mga ginagawa niya."



Sa mga mabibigat na eksena nila sa GMA-7 teleserye na Legally Blind, aminado si Janine Gutierrez na nakakatulong sa kanya ang co-star niyang si Lauren Young.

Sabi ni Janine, “Dahil magaling talaga siya.

“At saka minsan, pag ako yung kailangang umiyak sa eksena, lumalapit din siya.

“Tapos, if I hold her hand, talagang nakakatulong para sa akin yung mga maliliit na gestures na ganun.”

Samantala, hiningan namin si Janine ng reaksyon tungkol sa sinabi ng director nila sa Legally Blind na si Ricky Davao na si Janine ay ang “better Lotlot.”

May humingi kasi ng opinyon ni Direk Ricky tungkol sa kakayahan ni Janine bilang aktres kumpara sa ina nito, ang mahusay na aktres na si Lotlot de Leon.

“Ina-acknowledge ba ni Janine na siya nga ang better Lotlot?

“Hi Mama!” natatawang sagot ni Janine.

“Mama, hindi ako yung nagsabi, si Direk Ricky po yung nagsabi!

Mas seryosong pahayag ni Janine, “Naku, hindi ko po ma-acknowldge yun!

“Hindi ko po maa-acknowledge.

“Mas magaling po si Ms. Lotlot kesa sa akin!

“Siyempre ano e, iba si Mama.

“Sana balang-araw makaya ko din yung mga ginagawa niya.”

HAPPY FOR ALJUR AND KYLIE. Hiningan naman namin si Janine ng reaksyon sa pagiging ama ni Aljur Abrenica na nakapareha ni Janine sa tatlong GMA shows: ang Dangwa, Once Again, at URL Presents Relationship Goals.

Naging close ang dalawa at na-link pa nga sila dati.

Nagkaroon pa ng isyu dati na kaya nag-break sina Janine at Elmo Magalona ay dahil kay Aljur.

Pero agad namang napatunayang hindi iyon totoo dahil nagkabalikan sina Aljur at Kylie Padilla na siyang ina ng magiging anak ni Aljur.

Nagulat daw si Janine ng nabalitaan niya na buntis si Kylie.

Pag-amin niya, “Opo, nagulat ako.”

Masaya raw si Janine para kina Aljur at Kylie.

Binati pa nga raw niya si Aljur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad niya, “Simpleng ano lang, na… alam ko naman kasi na mahal na mahal talaga niya si Kylie, so nag-congratulate lang ako sa kanya dahil mukha naman po silang masaya.”

WORKING WITH MIKAEL. Sa Legally Blind ay si Mikael Daez ang leading man ni Janine at enjoy ang dalaga na katrabaho ang Kapuso actor.

“Sobrang gaan ng pakiramdam.

“Hindi ako nahirapang mag-adjust sa kanya.

“Magaan lang, kasi ever since, isa siya sa mga kumportable akong kausap dito sa GMA.

“Basta magaan lang yung pakiramdam, saka very friendly naman talaga si Mikael, e.

Parehong graduate ng Ateneo de Manila University sina Janine at Mikael.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN