TV5 star Janno Gibbs appears on GMA-7's Meant To Be

Janno Gibbs is connected to the characters of Manilyn Reyes and Keempee de Leon on Meant To Be.



Orihinal na GMA-7 artist ng mahabang taon si Janno Gibbs bago siya lumipat sa TV5 kunsaan ay kasalukuyan pa rin siyang naka-kontrata bilang Kapatid artist.

Pero kahit isang Kapatid, muling mapapanood si Janno sa top-rating primetime series ng GMA-7 na Meant To Be.

Ngayong papasok si Janno, iko-connect ang karakter niya sa karakter ng triplets na sina Sheryl Cruz, Tina Paner at ng dati niyang ka-loveteam na si Manilyn Reynes.

At siyempre, konektado rin siya sa love angle ng mag-asawa sa Meant To Be na sina Manilyn at Keempee de Leon bilang sila Amelia at Winston/Pawie.

Buhay na naman ang loveteam nina Janno at Manilyn, dagdag pa ang triangle nilang tatlo ni Keempee.

Gagampanan ni Janno ang karakter na Adonis Adlawan. Isang record producer ng album ni Manilyn. Gusto niyang i-release ang album ni Mane bilang si Amelia na magku-cause ng away sa triplets.

Dating fan boy ni Amelia si Adonis at muli itong magpaparamdam at pagseselosan naman ni Keempee.

Ang alam namin, TV5 contract star pa rin si Janno at nakapagpaalam lang ito ng maayos sa Kapatid network para makapag-guest ng buong buwan ng April sa Meant To Be.

Pero ngayong muling mapapanood na si Janno sa Meant To Be, ang primetime series na pinagbibidahan ng mga Kapuso stars na sina Barbie Forteza at apat na hunk leading men na sina Addy Raj, Ivan Dorschner at Ken Chan, hindi kaya hudyat na ito ng pagbabalik niya sa kanyang orihinal na tahanan?

Ngayong gabi, March 21, magsisimulang mapanood si Janno sa Meant To Be.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN