PEP EXCLUSIVE: Meg Imperial joins cast of D'Originals; will she transfer to GMA-7?

IMAGE Noel Orsal


Itinanggi ni Meg Imperial na pumirma siya ng exclusive contract sa GMA Network.

Pero kinumpirma niya na kasama siya sa bagong teleserye sa GMA-7 na D'Originals.

“Right now, nilabas na 'ata nila yung trailer or teaser, I mean, for D'Originals. It’s on the other network naman po, which is GMA,” ekslusibong pag-amin ni Meg sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last March 20.

Nakausap namin si Meg bago magsimula ang premiere night ng pelikula niyang Higanti na produced by Gitana Films at directed by Rommel Ricafort.

Paglilinaw pa ni Meg, under Viva pa rin daw siya kahit lumipat na siya sa GMA-7 from ABS-CBN.

“I’m still with Viva,” diin niya.

“But I didn’t sign any contract with the networks, so, I’m a freelancer. I can do...right now I do a show with GMA since kinuha po ako ni Direk [Adolf Alix Jr.] na nakatrabaho ko naman po dati sa Chain Mail.

Bakit siya gumawa ng project sa Kapuso Network?

“I think it’s not my decision, but the opportunity that comes along po. Bakit naman po ako tatangi sa trabaho? Because we all need work naman po.

“So, kung saan po ako dalhin ng opportunity I’ll grab na lang and I’ll take care of it.

“For now, I know isang show pa lang po ako. I don’t know kung magtutuluy-tuloy po. But looking forward for more work, of course.

“Right now, siguro per show Lang po muna and I still do shows naman po with ABS like kaka-guest kop Lang again as manila as Family Feud and Umagang Kay Ganda.

Wala bang offer sa kanya ang ABS-CBN?

“I don’t want to sign naman ng walang definite na ano, and my Viva family as well, ayaw nila na matengga ka na wala pang projects.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, as much as possible freelance muna and hindi naman ako pinapabayaan ng Viva. They give me projects din naman like films.”

How was it like working with Kim Domingo?

“Well, it’s my first time working with her. Medyo siguro nagkakaanuhan kami, kilanlanan dahil first time naming magkita and first time to work.

"Nagpakilala rin naman ako sa kanya, ‘Hi,’ and magkasama naman kami sa set at mas madalas kaming magkatrabaho. So, I guess, we’ll be good friends din naman.”

May nararamdan ba siyang professional rivalry sa kanila sa set since pareho ang image nila na sexy stars?

“Well, actually, I don’t consider myself as a sexy star. I’ll go with the sexy actress, I guess.

"Dahil, I believe naman that I have the talent naman na pwede mong ipakita sa lead role. It’s not the body itself but requirement lang siguro based on the

character din, so, why not.”

Sino sa tingin niya ang mas hot sa kanila ni Kim?

“We both have different charisma when it comes to screen, so, let’s see. Kung siguro magkakaroon kami ng two different hatak sa tao. So, I’m excited for this as well.”

Sa palagay niya, ano ang edge niya kay Kim?

“I think, ano nga ba?

“Actually, we both have the character naman or the angas. But I think, siguro my experience in showbiz is a far more experience na than her. So, I think so far ‘yan pa lang ang nakikita ko.

“I’m looking forward na makabatuhan ko pa siya ng linya para, of course, as an artista hinihintay mo na may maibigay sa ‘yo ang ka-eksena mo.”

Sa teaser trailer ng D'Originals, may showdown ang mga karakters ni Kim at Meg.

Hinahanap ni Kim ang asawa niya kay Meg ngunit sinabihan siya nito: "Asawa mo pala, bakit sa akin mo hinahanap?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil dito, tinangka ni Kim na sampalin si Meg ngunit hinarangan ni Meg ang kamay nito.

Ani Meg, "Don't you dare slap me with your cheap bag. Papayag lang akong magpasampal sa iyo kung original 'yan."

Ang karakter ni Kim ay ininsulto si Meg at sinabihan siya: "Para kang isang pekeng bag na binili lang sa ukay-ukay--fake!"


ON HIGANTI. Sa pelikulang Higanti, gagampanan ni Meg ang role bilang panganay na anak nina Assunta de Rossi at Jay Manalo.

“Ako ang tumulong sa dad ko para pahirapan ang mom ko. So, basically, medyo bad and bratty yung character ko rito. Pasosyal lagi.

“Pero eventually, let’s see kung ma-realize ba niya yung mga pagkakamali niya bilang anak at kung ano ba ang mga responsibility niya as a daughter.  Yun po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN