John Lloyd Cruz acts crazy in "Maalaala Mo Kaya"

by Julie E. Bonifacio
Sep 17, 2008
John Lloyd Cruz is paired with Alessandra de Rossi in the September 20 episode of Maalala Mo Kaya.

Umani ng palakpak si John Lloyd sa presscon kahapon, September 16, mula sa members of the press pagkatapos ipalabas ang teaser ng espesyal na episode niya sa Maalaala Mo Kaya na ipapalabas sa Sabado, September 20, pagkatapos ng Pinoy Dream Academy Little Dreamers Edition.

Isang taon ding hinintay ng Maalaala Mo Kaya na makapaglaan ng schedule si John Lloyd para lumabas sa drama anthology ng ABS-CBN hosted by Charo Santos-Concio.

Unang tinanong si John Lloyd kung ano ang dream role niya. "Dream role? Wala naman talaga akong dream role in particular. Ang sa akin lang, ang dream ko lang makapag-portray ng pinakamaraming roles na puwede kong magawa. Pinakamaraming characters na puwede kong magawa sa duration ng career ko. Para sa akin in every character comes a journey," pahayag ng aktor.


Originally, sa ibang aktor unang inalok ang role ni John Lloyd sa Maalaala Mo Kaya. Pero tinanggihan ng aktor dahil sa kanyang spiritual convictions. Hindi ba naramdaman ni John Lloyd na pumasok na rin sa kanya personally ang baliw na character na ginampanan niya sa Maalaala Mo Kaya?

Continue reading below ↓

"Hindi, ‘yun ang maganda dahil three days ko lang siya ginawa. Feeling ko kung pinahaba mo pa siya, kung tumagal pa, baka. ‘Tsaka hindi naman spirit-spirit itong sa akin. Meron siyang ibang mundo."


Wala ba siyang na-experience na kakaiba after ng taping at pag-uwi niya ng bahay?

"Wala, ‘yun lang, ayoko lang makuha ‘yung nuances na parang akala mo laging may nagsasalita sa paligid mo.

"Pero nung the night before bago ako mag-taping, siyempre binabasa ko 'yung script, ini-imagine ko na kung paano ko gagawin. E, mag-isa lang ako sa bahay, medyo scary nga siya na ma-imbibe kasi. Buti na lang sa TV ko ginawa kasi kung sa film mas mahaba na dadalhin ko ‘yung character."


Paano niya dini-detach agad ‘yung character sa katauhan niya?

"After ng eksena, ‘pag nag-cut na, cut na. Pero parang may iniiwan ka lang. Nandun lang siya. May iiwan ka lang pero hindi ibig sabihin totally kinalimutan mo na."

Continue reading below ↓

Ano ang feeling ng isa sa dream roles niya ang natupad na niyang gawin? "Isa sa mga dream roles ko, sabi ko nga, it's really refreshing na after doing a couple or more na ‘yung mga roles na nasa safer side, ‘yung mga common people's role, common people's character, it's very refreshing na makahanap o makagawa ng ganitong klaseng role. Para bang nakahanap ka ng break and at the same time medyo nakakapagod ‘yung ginawa kong trabaho, pero bukod sa pagod, nand'yan ‘yung mga kritiko [natin] diyan."

May nagbigay nga ng comment kay John Lloyd sa presscon na sa mga ginampanan niyang role, may nakamarka nang template ang aktor.

"Kailangan ko 'yun, e. Kumbaga, parang pandagdag doon sa mga hinahanap ko na kasi kung papakinggan ko lahat ng magagandang sinasabi ng tao baka naman maging complacent na ako sa trabahong ginagampanan ko.

"Apparently, meron palang.... hindi kasi masyadong generalized ‘yung pagkakapaliwanag niya nung sinasabi niya na parang sa lahat ng ginawa ko meron akong isang ano, common na ginagawa sa pag-arte ko."

Continue reading below ↓

Na-offend ba siya? "Well, hindi naman sa na-offend pero parang nalungkot in a way. Sinasabi ko na kailangan ko 'yan, totoo ‘yun. Kailangan ko ng mga ganyang comment pero parang kapag iniisip ko anu-ano ba sa pelikula ko ang nagkapareho like from Dubai to One More Chance to A Very Special Love?

"Magkakaiba naman ang characters ko doon. Pero kasi mahirap makipag-debate sa ganyan. Ang pinanggagalingan ko na lang kasi, ang hirap kapag TV kasi, parang ‘yun ang lugi sa amin, e. Pero kasi ‘yung iba naman makapag-comment lang," bunting-hininga ni John Lloyd.

How true na ang episode ngayon ni John Lloyd sa Maalaala Mo Kaya ang unang proyektong pagsasamahan dapat nila ni Angel Locsin?

"E, umalis na si Angel. Nagpunta ng Bukidnon. Siguro hahanap na lang ng ibang story. Pero baka matagalan. May mga prini-present sila sa akin na mga istorya na kasing powerful din nito, kasing ganda rin nito. Baka yun sa chance na ‘yon makapag-MMK pa kaming dalawa."

Continue reading below ↓

Noong nag-guest si Angel sa morning show nina Boy Abunda at Kris Aquino na Boy & Kris, sinabi niya na isa sa gusto niyang makapareha ay si John Lloyd. "Sinu-sino kami? Isa si Luis [Manzano]," biro ni John Lloyd.


"Kaibigan ko yun si Luis. Unfortunately, kaibigan ko siya," sabay tawa niya. "Joke lang. Ganyan kami magmahalan.

"Pero sana nga magkatotoo dahil gusto ko rin siyang makatrabaho. I think after nitong Sarah movie kami 'ata, e."

Hindi ba yung movie muna nila ni Vilma Santos ang gagawin niya? "Kasi ‘yung Vilma, ‘yung production, ha, matagal pa ‘yon. May one year 'ata na isu-shoot ‘yan. Hanggang ngayon, wala akong hawak na script, wala akong hawak na concept. Kaya hindi ko alam," tapos niya.

Ang episode na ito ng Maalala Mo Kaya ay idinirehe ni Jeffrey Jeturian at si Alessandra de Rossi ang kapareha ni John Lloyd.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Lloyd Cruz is paired with Alessandra de Rossi in the September 20 episode of Maalala Mo Kaya.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results