Derek Ramsay tackles drugs; Aubrey Miles, Mercedes Cabral depict lesbian relationship in TV5 specials

Derek Ramsay (left frame) topbills Amo, which tackles the drug situation in the Philippines. In Everlasting, Aubrey Miles and Mercedes Cabral (right frame) shows a realistic take on lesbian relationships, and the search for real happiness. Everlasting will air this Saturday, March 25, at 9:30 PM on TV5.



Ngayong 2017, abala si Brillante Mendoza sa pagiging director ng mga films-made-for-television na pinapalabas sa TV5.

Ang Brillante Mendoza Presents ay monthly TV special shot in different areas sa Philippines. Ang mga situations ay intertwined sa mga local festivities sa Pilipinas. Ang first two episodes nito ay ang Tsinoy and Everlasting.

Samantala, si Derek Ramsay ang bida sa Amo, ang special na tatalakay sa issue ng illegal drugs.

“Ito, parang yung ginagawa ko sa TV5 ay para tayong gumagawa ng pelikula linggu-linggo. Ganoon yung outcome niya. Ganoon yung tema niya,” kuwento ng Cannes award-winning director sa Brillante Mendoza Film Festival sa SM City Fairview.

“Tungkol ito sa droga," pagtukoy niya sa Amo. "Illegal drugs. Umiikot ito, ang kwento. Iba-ibang character ang sinusundan. Isang season ito so buong taon siya.”

“Si Derek Ramsay, siya ay pulis. Kaya lang, ang conflict doon sa character niya, isa siyang matinong pulis pero napakalaki ng sistema so matatalo siya ng sistema.”

“Medyo after primetime siya kasi medyo delikado yung subject matter.”

Everlasting ang title ng susunod na film-made-for-television na ipapalabas sa TV5.

Ito ay unique love story tungkol sa dalawang babae at ang struggle nila para sa kanilang romantic relationship. Kinailangan nilang mamili kung susundin nila ang kanilang mga pangarap at isasantabi ang pag-ibig.

Ang backdrop ng istorya nila ay ang colorful annual flower festival na Panagbenga sa Baguio.

Starring Aubrey Miles and Mercedes Cabral, this shows a realistic take on lesbian relationships, and the search for real happiness. Ipapalabas ang Everlasting this Saturday, March 25, 9:30 PM on TV5.

Sa trailer ng Everlasting, pinakita na ang karakter ni Aubrey ay naghahanap ng wedding ring para kay Mercedes.

Ngunit, nagulat siya nang makita niya na may kinakausap na lalaki si Mercedes habang nasa Baguio sila.

Sa dulo ay may voiceover si Mercedes kunsaan sinabi niya kay Aubrey, "Nine years and I learned so much from you..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ON PH FILM FESTS. Ano ang masasabi ng Cannes award-winning director sa pagdami ng indie film fests sa Pilipinas ngayon?

“Masarap, maganda,” ngiti niya. “Kasi mas marami, mas maganda.

“Ibig sabihin, mas maraming venue na pwedeng ipalabas ang mga pelikulang

Pilipino, mga pelikulang dapat ipalabas na ordinarily hindi talaga sila pwedeng ipalabas commercially kasi hirap naman talaga maglabas ng mga independent films, art films sa commercial run.”

Ang opening film ng 2017 Sinag Maynila Independent Film Festival ay ang trilogy film titled Asian Three-Fold Mirror 2016: Reflections.

Kasama sa tatlong pelikulang nakapaloob sa Reflections ang Shiniuma: Dead Horse ni Direk Brillante. Ang dalawa pa ay ang Pigeon ni Isao Yukisada ng Japan at ang Beyond the Bridge ni Sotho Kulikar mula sa Cambodia.

“Shiniuma means useless in Japan. It’s an expression na parang ‘walang kwenta ‘yan,” paliwanag niya.

Paano siya napasama sa proyektong gaya ng Reflections?

“It was funded by the Japan Foundation at saka ng Tokyo Film Festival. So, we were given total freedom of any story of our choice.

“Ang istorya ko tungkol sa undocumented Filipino worker na na-interview ko sa Japan, nung nandodoon ako sa Japan. Based on a true-to-life story.

“Tinawagan nila ako, nag-email sila sa akin.

“Tinanong nila ako if I want to be a part of this trilogy. Kasi a year before nila ako tinawagan, Binigyan ako ng tribute ng Tokyo International Film Festival.

“Ako yung parang recipient nila ng special award. They featured some of my films. Nandoon ako.

“Ginather nila lahat ng films sa Tokyo International Film Festival.”

Ayon sa internationally acclaimed director, pinalabas ang omnibus film na ito sa Cambodia pati na rin sa Malaysia.

Bakit hindi na lang isang buong pelikula ang pinadirek sa kanya?

“Para ano, Asian kasi ang ppini-feature, e, mga Asian filmmakers. Kasi talagang ganyan naman ang ginagawa ko. Merong mga ganyang project lalung-lalo na sa international community.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Talagang pinagsasama-sama nila. Minsan filmmakers from Europe. Filmmakers from Asia. O kaya mga filmmaker na merong filmography na na-gather na na filmography, pinagsama-sama na.”

Saan siya nag-shoot ng Shiniuma: Dead Horse?

“Dito sa Pampanga at sa Hokkaido, Japan.”

Kamusta ang experience sa pagtatrabaho niya with Japanese actors?

“Okay lang naman. Masaya kasi malamig. Pero mahirap palang mag-shooting sa snow. ‘Yun lang. “Akala ko mahirap mag-shooting sa init. Mas mahirap pa pala sa snow. Kasi sobrang lamig, as in ayaw mo nang lumabas.”


ON YOUNGER BROTHER OF COCO MARTIN. Isa sa mga artistang kasama sa Sinag Maynila 2017 entry na Bhoy Intsik ay ang younger brother ni Coco Martin na si Ronwaldo Martin.

Naging talent din ba niya si Ronwaldo gaya ni Coco?

“Oo, talent ko siya. Maliit pa lang ‘yan, sila ni Coco, kilala ko na sila. Si Ronwaldo 14 years old pa lang kilala ko na siya.”

Kaya ba sa kanya ipinagkatiwala ni Coco si Ronwaldo para tumino?

“Oo, sino nagsabi noon? Hahaha!”

Tumino ba sa kanya si Ronwaldo?

“Mukhang tumino naman,” ngiti niya. “Tingnan mo ngayon si Ronwaldo.”

Totoo ba na may gagawin siyang movie for Ronwaldo?

“Oo, pero, wala pa kasi ngayon, e. Kailangan pa talagang mag-ensayo."

“Meron ako’ng project na gagawin sa kanya, definitely. Pero wala pa talaga kasing ano, so hindi ko pa talaga siya pwede i-mention.”

What about with Coco?

“Naku, busing-busy siya. Siguro kapag medyo nakapagpahinga na ulit siya.”

Paano kung ready na si Coco na gumawa ng movie sa kanya? Meron na ba siyang material para kay Coco?

“Parang walang ready [material],” pag-amin ni Direk Brillante.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN