Is Paolo Ballesteros willing to do kissing scene with Derek Ramsay?

IMAGE Bernie Franco

Paolo Ballesteros is set to topbill a movie with Derek Ramsay. Paolo's previous film, Die Beautiful, was chosen as 1st runner up in the OUTtv Audience Awards at the Roze Filmdagen Amsterdam LGBTQ Film Fest. 



Isang action-comedy movie ang susunod na gagawin ni Paolo Ballesteros under Regal Films kasama si Derek Ramsay.

Ito ang ibinahagi ng Eat Bulaga host sa contract-signing niya sa Regal Films noong March 21. Dumalo dito ang Regal Entertainment matriarch na si Mother Lily Monterverde, and anak nitong si Roselle Monteverde-Teo, at ang manager ni Paolo na si Jojie Dingcong.

Ang tiyak sa kontratang pinirmahan ni Paolo ay gagawa siya ng dalawang pelikula.

Inusisa si Paolo kung paano ang “partnership” nila di Derek sa upcoming movie.

“Hindi ko alam kung partner kami sa trabaho o sa pag-ibig ba. Pero either way okay lang,” natatawang sagot ng GMA-7 actor.

Tinukso rin siya kung papayag ba siyang makipag-kissing scene kasama si Derek.

Paiwas na sagot si Paolo, “Hindi ko pa iniisip ang mga ganong bagay. Hayaan ko na lang dumating.

“Basta maging maganda yung gagawin namin.”

EXCITED TO DO ACTION FLICK.  Ipinahayag ni Paolo na sobrang nae-excite siya sa paggawa ng action movie.

“Mas excited ako actually don sa action part. Gusto ko pisikal. Gusto ko may ginagawa.

“It’s either yon, magta-transform, which is physical, dahil ako ang gumagawa, may comedy rin. Tapos ito may action pa.”

Tinukoy na halimbawa ni Paolo na pagiging pisikal ang 2016 Metro Manila Film Fest entry niyang Die Beautiful kunsaan ilang oras ang ginugol niya para sa kanyang make-up transformations.

Ang MMFF 2016 entry na ito ang nagbigay karangalan kay Paolo bilang Best Actor sa award-giving bodies sa loob at labas ng Pilipinas: Tokyo International Film Festival noong November 2016 at sa 42nd Metro Manila Film Fest.

Noong March 19, kinilala ang Die Beautiful bilang 1st runner up sa Best Mix Feature category ng OUTtv Audience Awards sa Roze Filmdagen Amsterdam LGBTQ Film Festival.

Kung siya ang masusunod, gusto sana ni Paolo na hindi gay role ang gagampanang papel sa susunod na project, pero hindi siya magrereklamo kung gay character uli ang ibigay sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hopefully, hindi na [gay role], di ba?  Para iba naman.

“Though creative naman tayo, so marami pang pwedeng i-explore kahit na bakla din.

“Marami pa ring ibang atake ng pagkabakla, so I guess nasa materyal nasa mga artista.”

Dagdag pa ni Paolo, hindi porke’t nakakuha na siya ng Best Actor trophies ay puro dramatic roles na lang ang  kanyang kukunin.

“Iniisip ko hindi naman ako gagawa ng film para kumpitensiyahin ang sarili ko.

“Hindi naman kelangan i-prove na kailangan Best Actor ka.

“I guess it depends din sa materyal sa story na hindi ko naman din hahayaan na yung story di ko gusto o feeling ko parang medyo waley.

“Hindi rin ibig sabihin yung pipiliin kong film, e, pang heavy drama o pang awards na naman.

“Kasi gusto ko lang maganda yung pelikulang maibibigay.”  



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN