Mike Tan on GMA-7: "Hindi ko kasi talaga makita na umalis ako sa network na nagpasikat sa akin."

IMAGE GMA News Online

Mike Tan (center) during his recent contract renewal with GMA-7. The proud Kapuso admits that his current role in Ika-6 Na Utos is his most challenging to date.


Isa sa matatawag na loyal talents ng GMA-7 ang Kapuso actor na si Mike Tan.

Labintatlong taon na ang nakaraan mula noong manalo si Mike bilang Ultimate Male Survivor sa StarStruck 2, pero nanatili pa rin ang loyalty niya sa Kapuso network.

Noong nakaraang March 16 ay pumirma siya ng bagong exclusive network contract.

Ayon sa aktor, wala raw siyang makitang rason kung bakit siya aalis sa kanyang unang nakagisnan na tahanan.

“Hindi ko kasi talaga makita na umalis ako sa network na nagpasikat sa akin, nagturo sa akin at talagang nagmamahal sa akin.

“Ever since naman, nandito sila for me and never nila akong pinabayaan.

“Through ups and downs, nandiyan sila para sa akin.

“Never nila akong binigyan ng hindi ko gustong proyekto.

“Lagi nilang pinararamdam sa akin yung tiwala kaya lagi akong thankful na nandito pa rin ako sa GMA,” pahayag ni Mike sa kanyang contract signing sa GMA Network Center kunsaan present ang ilan sa mga executives ng Kapuso Network.

Nagpapasalamat si Mike dahil nakatrabaho niya ang mga mahuhusay na artista at direktor sa mga nasalihan niyang mga teleserye tulad ng Sugo, Marimar, Maging Akin Ka Lamang, Rosalinda, Trudis Liit, Kung Aagawin Mo Ang Langit, Legacy, Faithfully, Mga Basang Sisiw, The Rich Man's Daughter at The Millionaire's Wife.

CHALLENGING ROLE. Kasalukuyang napapanood si Mike sa top-rating afternoon teleserye na Ika-6 Na Utos kunsaan ginagampanan niya ang role na Angelo Trinidad.

Inamin ni Mike na muli raw siyang na-challenge sa pag-arte sa isang teleserye.

“Parang ngayon lang ako ulit gumawa ng ganitong kabigat na role.

“Lagi naman akong handa para sa mas mabigat at mas malaman na role sa TV.

“Aaminin ko, hindi siya madali. Mahirap siya.

“Kasi yung mga nakaraan kong ginawa, sa akin mahirap na yun, pero hindi kasing bigat nito, hindi kasing lalim ng hugot nito.

“Kasi parang lagi mong ipaglalaban ang love mo sa tao na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At the same time, vulnerable ka.

“Ipapakita mo na kung kailangan mo umiyak, iiyak ka.

“Yung huling drama na ginawa ko na The Millionaire's Wife, kailangan mong pigilan ang anumang emosyon mo.

“Dito sa Ika-6 Na Utos, kailangan mong ibigay.

“Kailangan mong umiyak, magalit, magselos.

“Minsan hindi ko na alam ang reaction kasi hindi ko naman na-experience yun.

“Ang ginagawa ko, nakikinig na lang ako tapos kung ano ang maging reaction ko, yun na ang mabibigay ko,” pagtatapos ni Mike.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN