Arci Muñoz explains why she accidentally kicked Cristine Reyes on their show

IMAGE Allan Sancon

Cristine Reyes (in photo) happened to be near Arci Munoz when she was rehearsing. Arci accidentally kicked Cristine's face, causing it to be swollen.



Kamakailan ay naaksidente si Cristine Reyes sa set ng I Can Do That, kung saan nasipa ni Arci Muñoz sa mukha ang kapwa ABS-CBN actress.

Nilinaw ni Arci na hindi ito naging isyu sa kanila ni Cristine dahil alam nitong aksidente lang ang lahat.

Lahad ni Arci, “Kasi ano, mayroon kaming ginawang act, so ayun, nagpa-practice kami, nagre-rehearse.

“Yung isang step, may isang step dun na sisipa ako backward.

“Sakto si AA [Cristine] nasa likod, nakatayo lang siya, pinapanood niya ako.

“Tapos ginawa niya yung act, e, kasi naka-bend down yun na ganun, hindi ko nakikita.

“Sabay pagka-bend down niya, ako naman, pagsipa ko, nasa floor na ako, salubong, ayun tinamaan si AA sa mukha."

Patuloy ni Arci, “Nataranta ako kasi malakas talaga yun, sobra.

“Panic ako, tapos yung mga tao nakatingin lang sila, hindi nila siguro akalain na grabe yung nangyari.

“Siyempre masakit yun, pero tumatawa siya, iyak-tawa siya, literal.

“Aksidente talaga yung nangyari, e, pero sobrang game pa rin siya. Parang walang nangyari.

“Sobrang cool naman ni AA, alam din naman niya na accident, walang may kasalsanan.”

Dagdag pa ni Arci tungkol sa Kapamilya show, “Pahirap siya nang pahirap.

“Ang pagpapahirap talaga sa amin ni I Can Do That, grabe! Intense!

“May mga ipinapagawa sila na iniisip ko na hindi ko talaga magagawa, imposible talaga.

“Pero yung mga mentors namin, sobrang tiyaga, talagang pinu-push kami.

“Naiyak nga ako sa isang ipinagagawa nila kasi ang hirap talaga. Na-frustrate ako, hindi ko talaga kaya.

“Mayroong challenge na hindi ko talaga nagawa.

“Saka may injury din kasi ako nun, yung leg ko. Hindi ako makatayo, hindi ako makalakad, ang hirap.

“Imposible talagang magawa ko.”


Cristine Reyes (left) and Arci Munoz



MOVIE WITH GERALD. Bukod sa I Can Do That, masayang binalita ni Arci na malapit na rin ang simula ng shooting ng movie na muli nilang pagtatambalan ni Gerald Anderson kung saan relate na relate daw si Arci sa role niya dito.

“Magi-start kaming mag-shoot by the end of the month. Can We Still Be Friends ang title, by the title itself alam ninyo na. I’m just really excited to work with Gerald again after Always Be My Maybe, ito yung comeback ko.

“Ito kasi it’s about two ex-lovers, they are still trying to be friends after the break up pero dun natin malalaman kung puwede nga ba pero para sa akin hindi, e. Not right after the break up or depende sa pinag-breakan ninyo, yung rason kung bakit kayo nag-break.”

“Sobrang relate na relate, feeling ko nga talaga, ako ito, love story ko ito, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN