Paolo Bediones hopes "Survivor Philippines" will have 2nd season


Paolo Bediones (center) admits feeling depressedwhen he thought that he would not be able to host Survivor Philippines. Heis grateful to be chosen as the host of this realityshow on GMA-7.



Impressive ang pilot episode ng Survivor Philippinesnoong nakaraang Lunes, September 15, at nakakuha ito ng mataas na rating na31.8% considering na medyo late na ang timeslot nila ay marami pa rin angnag-abang sa bagong reality/competition franchise na ito ng Pilipinas.


Mukhang magiging hit ito sa mga manonood dahil unangpagsubok pa lang sa 18 castaways ay mararamdaman mo na agad ang hirap napinagdadaanan nila. Day One pa lang iyon at may 38 days pa silang bubunuin saisla ng Koh Tarutao sa Thailand.

Tama nga ang sinabi ng host ng Survivor Philippinesna si Paolo Bediones na may kanya-kanyang character ang mga napili nilangcastaways. Hindi pa raw ito napapanood ng mga televiwers pero sa mga succeedingepisodes ay makikita na raw kung sino ang mga pasaway, nagsisinungaling,gumagawa ng paraan para ‘di ma-vote out at kung sino ang mga na-develop saisla.

"Tapos naman na kasi naming lahat. May two castaways na langang natitira pero hindi naming puwedeng i-reveal kung sino ang dalawang iyon.Sa December pa malalaman kung sino sila at sino ang matatanghal na Pinoy SoleSurvivor," sabi ni Paolo.

Pinagdasal talaga ni Paolo na siya ang maging host ng SurvivorPhilippines. Noong una nga raw ay inakala niya na hindi sa kanya mapupuntaang pag-host dahil nakarating sa kanya na may ibang gustong kunin.

"Medyo na-depress ako kasi I heard na gusto raw ay ibangmukha. Baka raw magmukhang Extra Challenge ang Survivor Philippines.But I still prayed for it. Hindi ako tumigil sa paghingi ng sign kung matutuloyba ako or hindi.

"Sa totoo lang, medyo worried na ako because katatapos langng Whammy: Push Your Luck tapos mawawala na rin ang Tok! Tok! Tok! Dahilmagkakaroon that time ng Pinoy Idol. So everything was in the air athindi ko alam ang next step ko. Before Survivor came in, five monthsakong walang suweldo sa GMA-7. Mabuti na lang at may negosyo ako that kept meafloat for all those months."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayon nga at napasakanya ang pagiging host ng SurvivorPhilippines, umaasa siya ng magiging daily viewing habit na ito ng mgaPinoy at sana ay magkaroon ito ng second season.

"It's all up to the people behind Survivor. If theyfind it very impressive, hindi malayong magkaroon ng season 2. With the waykung paano maglaro at magpakitang gilas ang mga castaways, mahu-hook sila dahilpaborito talaga ng mga Pinoy ang reality shows."

Abangan kung sino ang magiging unang Pinoy SoleSurvivor na siyang mananalo ng P3 million cash prize (tax-free). Mapapanood angSurvivor Philippines simula Lunes hanggang Biyernes sa GMA-7 pagkataposng Ako Si Kim Samsoon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN