Arra San Agustin opens up about taking over Kylie Padilla's role in Encantadia

IMAGE From Instagram account of Arra San Agustin



Isa ang StarStruck 6 alumna na si Arra San Agustin sa bagong karakter na napapanood sa GMA-7 primetime telefantasya na Encantadia.

Maituturing na maganda ang karakter na ipinagkatiwala sa kanya ng Kapuso network bilang si Ariana.

Sa pagkamatay ni Kylie Padilla bilang si Reyna Amihan, sa karakter niya na si Ariana ito nag-reincarnate. Pero retain pa rin ang pisikal at ang pag-iisip niya bilang si Ariana.

"Yung soul po ni Amihan ang parang lumipat sa karakter ko bilang si Ariana, parang may influence po siya ni Amihan. Pero yung memories ko po, lahat, si Ariana po, e."

Sa pagkakapili sa kanya ng Kapuso Network na siyang lilipatan ng soul o kaluluwa ni Amihan, merong ilang mga tagahanga raw ni Kylie Padilla ang tila hindi aprubado agad sa pagkakapili sa kanya.

Ito ang naging dahilan para ma-bash siya ng ilan nang magsimula na siyang mapanood sa Encantadia.

Nakangiting sagot naman ni Arra, "Okay lang po, I mean, it's all part of the job naman po. Kahit anong pagba-bash, alam ko naman po na kasama yun sa work.

"Siyempre, hindi naman po lahat ng mga tao magugustuhan ako, so okay lang."

Inamin naman niya na hindi rin maiwasang masaktan siya noong magsimula na siyang makabasa ng pagka-disgusto sa kanya at pangba-bash.

"At first, na-hurt din po ako," pag-amin ni Arra nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set visit ng naturang teleserye sa Makati kamakailan lang.

"Minsan may mga harsh, pero okay lang, tine-take ko na lang po as motivation or something to keep me going."

Ang karakter pa naman niya ay nagkaka-gusto sa karakter naman ni Ruru Madrid bilang si Ybrahim. Kaya dalawang fandoms nga raw ang parang hindi masaya sa pagpasok niya.

Ang mga fans ng naging loveteam nina Kylie at Ruru at ang GabRu fans naman nina Gabbi Garcia at Ruru.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta naman?

"May mga nababasa po akong tweets or comments," nakangiting sabi naman niya.

Hindi na rin naman daw bago sa kanila ni Ruru ang magkasama sa isang proyekto.

Naging magka-trabaho na rin daw sila dati sa Karelasyon.

Ayon pa kay Arra, "Okay po si Ruru. Same rin po kami ng--nag-StarStruck po ako, nag-Protege siya. So parang yung mga crew pare-pareho lang, na-meet ko po siya run.

"Okay siya, mabait naman si Ruru. He's real."

May chemistry raw sila ni Ruru?

"Talaga po? Wow, sana nga," masayang sabi niya.

E, kumusta naman sila ni Gabbi?

"Mabait po si Gabbi, wala pong problema," nakangiting pahayag niya.

Dugtong din ni Arra, "Meron man pong nagba-bash, meron din naman pong nagsu-support. I mean, may mga iba rin naman pong nagsu-support at okay naman din po sa kanila."

Si Arra ang isa sa mga huling natanggal din noong StarStruck 6 bago ang finals. Pagkatapos nga ng dalawang taon, tila mas lalong nag-bloom ang ganda nito.

Masaya si Arra na karamihan halos sa batch nila ay may mga proyekto. "Super grateful po talaga," saad niya.

TARGET OF JEALOUSY? Nagulat naman si Arra nang tanungin namin sa nakarating sa aming balita na meron daw aktres na pinagseselosan siya dahil kasamahan niya sa isang programa ng network ang boyfriend nito.

"Hindi ko po alam," natawang sagot-pag-iwas niya.

Paano niya hina-handle kapag may ibang aktres na nagseselos siya?

"Wala naman po akong pinu-pursue na guy. Bahala na. Ako po, as long as alam ko na wala naman akong ginawa. I'm just being nice and I'm just being a person.

"Kung may iba ang tingin dun, ako po, I can see na wala po talaga akong ginawa, what else."

Totoo ba ang nakarating sa aming may nagselos ng matindi sa kanya at pinagte-text siya?

"Siguro po, siguro po, pero--hindi ko po talaga alam. Basta ako po, generally, wala po talaga akong alam na dapat pagselosan," may pag-iingat na pahayag na lang ni Arra.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Stories We Are Tracking

Kylie apologizes; says I wanted to see Amihan marry Ybrahim
Kylie apologizes; says I wanted to see Amihan marry Ybrahim
Kylie felt kilig when Aljur auditioned for Ybarro in Enca
Kylie felt kilig when Aljur auditioned for Ybarro in Enca
Kylie admits she's
Kylie admits she's "still grieving at not being" Amihan
Kylie is Amihan no more; new Kapuso star takes her spot
Kylie is Amihan no more; new Kapuso star takes her spot



Punjabwe-a out and about. ???? #Encantadia

A post shared by Arra San Agustin (@arrasanagustin) on





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN