Dennis Trillo acknowledges impact of original Mulawin: "Nakilala sina Angel, si Richard"

Dennis Trillo downplays the impression that he's the biggest star in the new GMA-7 fantaserye Mulawin Vs. Ravena: "Ayokong isipin yun dahil sobrang daming malalaking artista kasama rin dito. So sa tingin ko, sila, sila ay mga bida rin."



Si Dennis Trillo ang gaganap bilang si Gabriel sa upcoming GMA-7 telefantasya na Mulawin vs. Ravena. Si Gabriel, ang dating Prinsipe ng mga Ravena, ay siya nang Hari ng Halconia.

Dahil wala na si Aguiluz (na ginampanan noon ni Richard Gutierrez) ay si Dennis na ang masasabing bida rito.

Siya rin ang gumanap bilang Gabriel sa original series na umere thirteen years ago.

“Isa ako sa mga original na cast. Sinuwerte.

“Tuloy ang kuwento ni Gabriel at ang kuwento ng Mulawin after nung TV series tsaka nung movie [2005].

"So dun sa mga Kapuso, lahat ng sumubaybay na nabitin dun sa kuwento, ito na yung kadugtong.

“Malalaman nila kung ano yung nangyari kay Alwina [si Angel Locsin noon; si Heart Evangelista ngayong 2017] matapos mamatay si Aguiluz.

“Nagkaroon sila ng anak, so ito yung continuation,” kuwento ni Dennis sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong launch niya bilang bagong endorser ng Chicken Deli sa Chicken Deli branch sa SM North EDSA Annex.

Ni-launch ang cast members ng Mulawin Vs. Ravena noong March 27 sa 24 Oras.

Si Derrick Monasterio (bilang Almiro) ang gaganap na anak nina Alwina at Aguiluz.

Si Miguel Tanfelix, tulad ni Dennis, ay nagbabalik bilang si Pagaspas at ang ka-loveteam ni Miguel na si Bianca Umali ang bagong Lawiswis (na unang ginampanan ni Sam Bumatay).

Si Carla Abellana ang bagong Aviona (na ginampanan noon ni Bianca King),

Bagong karakter si Regine Velasquez-Alcasid bilang si Sandawa.

New character din ang gagampanan ni Lovi Poe bilang si Magindara, at ang ka-loveteam ni Derrick na si Bea Binene ay si Anya, anak ni Aviona.

Si Kiko Estrada ang magiging katrayanggulo ng DerBea bilang si Rafael, at si Chynna Ortaleza si Rashana, ang asawa ni Gabriel at reyna ng Halconia.

Nasa cast rin si Winwyn Marquez bilang Ribay, Valerie Concepcion bilang Tuka, ina ni Lawiswis, Charee Pineda bilang Savana, Roi Vinzon bilang Daragit, Angelu de Leon bilang Lourdes (ginampanan dati ni Amy Austria), Bobby Andrews bilang Dionisio, TJ Trinidad bilang Greco, Dion Ignacio bilang Siklab, Joko Diaz bilang Antonio, David Licauco bilang Malik, at si Ms. Nova Villa bilang Lola Elo.


Stories We Are Tracking

Charo almost resigned from ABS-CBN because of this GMA show
Charo almost resigned from ABS-CBN because of this GMA show
Mulawin cast members: THEN AND NOW
Mulawin cast members: THEN AND NOW
Heart Evangelista to reprise role of Angel Locsin in Mulawin
Heart Evangelista to reprise role of Angel Locsin in Mulawin
Who will join Regine Velasquez in Mulawin 2017 reboot?
Who will join Regine Velasquez in Mulawin 2017 reboot?



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SHUNNING THE SPOTLIGHT. Tinanong namin si Dennis, dahil wala na si Aguiluz sa kuwento, nangunguhulugan bang si Gabriel na ang bida ngayon?

“Well, isa ako sa mga tauhan sa Mulawin [vs. Ravena], pero hindi ko masasabi na…

“Well, isa ako sa mga bida, pero hindi ako yung pinakabida,” paglinaw niya.

Marami kasi ang nagsasabing siya ang magiging “poste” ng show kapag umere na ito soon.

Diin niya, “Ayokong isipin yun dahil sobrang daming malalaking artista kasama rin dito.

“So sa tingin ko, sila, sila ay mga bida rin.”

Ayaw ba niyang tanggapin ang katotohanang siya ang magdadala ng show, na nasa kanya ang pressure?

Paglinaw niya, “Sobrang proud lang ako na kasali ako sa Mulawin [vs. Ravena] at gagampanan ko ulit yung role ni Gabriel.

“Importante sa akin yung programang Mulawin dati, dahil isa yun sa mga shows ko sa GMA nung nagsisimula pa lang ako.

“Isa yun sa mga programang talagang naging remarkable sa GMA, naging phenomenal.

“Nakilala sina Angel, si Richard at lahat ng mga cast, kaya sobrang happy lang ako na nagkaroon ulit ng Mulawin Vs. Ravena.

“At sana, hindi man namin mapantayan yung naging epekto niya nun, sa tulong ng mga batikang artista at saka yung mga bago sa cast, kahit papaano sana ay mapantayan namin.”


Gabriel after 13 years... #mulawinvsravena

A post shared by Dennis Trillo (@dennistrillo) on






WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN