Angel Locsin excited to work with Kathniel for La Luna Sangre

Angel Locsin is enjoying her temporary role as It's Showtime co-host as she pinch-hits for Vice Ganda who is currently abroad: "Happy coz madlang pipol naman they have always been very warm sa pag-welcome sa akin."



Sa official statement ng ABS-CBN kamakailan, kinumpirma ng Kapamilya network na hindi na nga gagampanan ni Angel Locsin ang Darna role dahil sa maselang kondisyon dulot ng kanyang spinal injury.

Read: Here's why Angel Locsin can no longer play Darna

Inilahad din sa announcment ang apat na proyekto na nakalinyang gawin ni Angel sa ngayon.

Kabilang dito ang isang pelikula kasama si Coco Martin, isang pelikula kunsaan kapareha niya si James Reid, ang bagong fantaserye na La Luna Sangre, at isa pa uling teleserye sa ABS-CBN.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Angel sa set ng It’s Showtime, inamin ng aktres na nami-miss na niya ang umarte at excited siya sa mga proyektong nakalinya niyang gawin.

Lahad niya, “Yes, excited kasi pinipili ko rin naman ang mga proyekto ko and nami-miss ko rin naman ang pag-arte so okay naman.

“Kung ano ang ibigay na blessings sa akin, I’m always excited.”

Ang La Luna Sangre ay ang sequel ng fantaseryeng Imortal na unang pinagbidahan nina Angel at John Lloyd Cruz.

Excited naman ng aktres na makasama dito ang magkaparehang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Dagdag niya, “La Luna Sangre? Yes, nag-usap na kami tungkol diyan and kaming dalawa ni John Lloyd.

“Excited coz di ko pa sila nakakatrabaho, ngayon pa lang.

“Parang wala din ako masyadong chance na makasama sila because magkakahiwalay kami.

“Sana dito may time to bond.”

PINCH-HITTING FOR VICE. Sa ngayon ay napapanood si Angel sa It’s Showtime habang nasa America si Vice Ganda.

Nagpapasalamat naman ang aktres sa mainit na pagtanggap sa kanya ng madlang pipol.

Aniya, “Happy coz madlang pipol naman they have always been very warm sa pag-welcome sa akin.

“Saka nandiyan naman sila Anne [Curtis], sila Vhong [Navarro], mga kaibigan ko, so exciting.”

“For two weeks, habang kulang yata sila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huli ay siniguro naman ni Angel na maayos ang kalagayan niya at walang dapat ipag-alala ang mga tagahanga niya sa kanyang kalusugan.

Pag-amin niya, “Yes, I'm okay.

“Ang iniisip kasi ng iba di ako makakagawa ng movements.

“Kaya naman, kaya naman.

“May limit lang talaga.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN