Ryza Cenon gets anxiety attacks over kabit role; says, "Nagna-numb po ang ulo ko."

IMAGE Rose Garcia

Ryza Cenon reveals that she experiences anxiety attacks because of her emotionally-draining role in Ika-6 Na Utos: "Nagkakaroon ako ng anxiety attack. As in, nagna-numb po ang ulo ko. Nanginginig ako. Tapos, umiiyak na lang ako bigla. Kasi, parang hindi po ako makahinga nang maayos. Lagi yun, kapag ganun ang mga scene. After the scene, parang drained na drained ka."



Sa kabila ng napakaraming manonood na galit kay Ryza Cenon dahil sa kanyang papel bilang mistress sa Ika-6 Na Utos, napakasaya naman niya dahil sa pagiging top-rating ng afternoon teleserye ng GMA-7.

Bukod pa rito, ito ang kauna-unahang afternoon series na napapanood na hanggang Sabado.

"Masaya lang po talaga na nakasama ako sa show na ito na first po na hanggang Sabado, meron.

“At opo, sobra! Ang dami pa ring galit," ang nakangiting pahayag ni Ryza.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ryza sa taping ng Ika-6 Na Utos sa Tandang Sora.

Ayon sa aktres na gumaganap bilang Georgia sa Kapuso show, "Actually, may isang nagpa-picture sa akin.

“Nagpa-picture muna siya.

“Tapos, may binulong siya sa akin.

“Sabi niya, 'Gusto na kitang sampalin. Naiinis ako sa 'yo.'

"Sabi ko, 'Hala, hindi naman po ako yun. Si Georgia yun.'"

Sa isang mall show daw nangyari yun.

ROLE. Dahil gumaganap siya bilang kabit ng karakter ni Gabby Concepcion, ano ang nagugustuhan ng Kapuso actress dito?

"Wala. Masama siya, e," natawang sabi ni Ryza.

"Nakakapagod siya."

Pero aminado si Ryza na kung magtatapos ang Ika-6 Na Utos, siguradong mami-miss din niya ang karakter niya.

Aniya, "Opo naman, almost half a year na rin kami rito."

LEARNINGS. Marami raw siyang natutunan sa top-rating afternoon series nila.

Sabi nga ni Ryza, "Mas marami po akong natutunan lalo na sa acting kasi marami pong naituturo si Direk sa akin.

“In terms of mannerisms, saka mas lumalalim po kung paano mo atakihin ang bawat eksena.

"Hindi yung basta-basta na lang.

“Kasi, ayaw kong bumaba si Direk," natawang pag-amin ni Ryza.

Ang director ng Ika-6 Na Utos ay si Direk Laurice Guillen.

HOW DIREK LAURICE DRAWS OUT RYZA'S ANGRY SIDE. Hindi itinanggi ni Ryza na may ilang beses na siyang binabaan ni Direk Laurice mula sa unit nito at napagsabihan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

llang beses na siyang binabaan?

"Tatlo, apat?" estima niya.

Hindi naman siya nasisigawan?

"May time," natawang pag-amin niya.

"Pero okay lang, naiintindihan ko naman po.

“Yung isang beses, pinapagalit niya ako.

“E, kasi hindi naman ako ganun magalit.

“Tahimik lang ako.

"So ang hirap po, hirap na hirap ako.

“Ginalit niya ako.

“Tapos, nasagot ko siya.

“Sabi ko, 'Oo!' Tapos, binagsakan ko siya ng pinto.

“Alam naman po yun ni Direk Laurice kasi nag-workshop naman po ako sa kanya."

Pagkatapos ng eksena, nag-sorry ba siya?

"Opo, pero alam niya yun.

“Wala lang, pinagalit niya talaga ko," saad niya.

STRUGGLING TO SHAKE OFF HER CHARACTER. Ang magpakita ng matinding galit daw ang pinaka-challenge talaga sa kanya ng karakter niya.

Ang hirap lang daw sa ganitong sitwasyon ay nauuwi rin niya hanggang sa bahay ang kanyang karakter.

Sumasakit ba ang ulo niya?

Kuwento niya, "Hindi lang po, nagkakaroon ako ng anxiety attack.

“As in, nagna-numb po ang ulo ko.

“Nanginginig ako.

“Tapos, umiiyak na lang ako bigla.

"Kasi, parang hindi po ako makahinga nang maayos.

“Lagi yun, kapag ganun ang mga scene.

“After the scene, parang drained na drained ka.

“Minsan, itinutulog ko na lang po."

Paano niya nasabing nadadala niya hanggang sa pag-uwi niya sa bahay ang karakter niya?

"Minsan po, konting mali lang ng kasambahay ko, nagagalit na ko," pag-amin niya.

Kahit daw ang boyfriend niyang si Cholo Barretto ay napapansin din ito sa kanya.

Dagdag pa niya, "Sinasabi niya, 'Bumitaw ka na, bitawan mo si Georgia.'

“Palagi niya akong nire-remind, kasi minsan, naaaway ko rin siya."

LEVELING UP WITH HER ROLES. Ilang taon na rin sa showbiz si Ryza mula noong manalo siya sa StarStruck batch 2.

Pero hindi maikakaila na ngayon lang siya napansin talaga nang husto sa pagganap niya bilang si Georgia sa Ika-6 Na Utos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anong pakiramdam niya roon?

Ani Ryza, "Yun nga po yung sinasabi ko sa management, sa Artist Center.

“Na parang bigyan niyo ako ng mga challenging roles.

“Kasi, hindi ko talaga maipapakita kung ibibigay niyo sa akin, best friend lang.

“Kasi, puro nasa likod lang yun, e.

"So wala, yun at yun lang din talaga ang makikita niyo sa akin.

“Ngayon po, at least, kahit paano, napatunayan ko sa kanila na hindi lang ako pang-best friend."

Pagkatapos ng Ika-6 Na Utos, hindi na ba siya tatanggap ng best friend role?

Hiling niya, "Sana po ngayong naka-akyat na rin kahit paano, 'wag naman po sanang bumaba.

“Para may development din. Pero siyempre po, depende rin naman sa role."

Payag ba siya kung tuluy-tuloy na ang pagiging kontrabida niya?

"Okay lang naman po," saad niya.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN