Kris Aquino TV special was offered to two TV channels; why did it go to GMA-7?

Businesswoman Rhodora Pascual Morales (left) recounts how a chance encounter with Kris Aquino led to the conceptualization of the travel show Trip Ni Kris, which airs on GMA-7 on April 9, 2017.



Ikinuwento ng businesswoman na si Rhodora Pascual Morales ang pagkikita nila ni Kris Aquino sa isang five-star hotel na naging dahilan para ipag-produce niya ng television special ang actress/TV host, ang Trip ni Kris na mapapanood sa GMA-7 sa April 9.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gng. Morales sa Club Filipino, Greenhills, San Juan.

Ayon sa lady producer, matagal na raw niyang kilala si Kris at inamin din niyang big fan siya ni Kris.

“Nag-come up itong show na ito, busy ako masyado, e.

“Na-notice ko na matagal nang hindi nagshu-show si Kris.

“There was a time na kumain kami sa Shangri-La sa BGC.

“Tamang-tama, kumain si Kris doon.

“Pumasok siya, may kakilala siya sa grupo ko, binati niya.

“Naalala niya ako. Sabi ko, 'O ano, kumusta na? Ano pinaggagawa mo?'

“Busy siya sa mga business. Talagang maraming business si Kris, yung mga franchise...

“Naalala ko, malapit na yung birthday niya.

“E, nasanay tayo na kapag malapit na birthday niya, may special show.

“Nagpapamigay siya, yung mga sponsor.

“Sabi ko, 'Anak, ano, anong gagawin mo sa birthday mo? May special show ba?'

“Sabi niya, ‘Ay, Tita, magbabakasyon lang po kami. Sama ka po.’

“Sabi ko, 'Ay, naku, busy ako.' Sabi ko, 'Ano kaya, gumawa tayo ng special birthday show mo?'

“'O Tita, binibiro mo ba ako? Are you kidding me?'

“Sabi ko, 'Hindi, seryoso ako.'

“'Talaga Tita? Sige po tatawagan kita.'

“Sabi ko, 'I-set mo yung another time para kung seryoso ka.'

“Sabi niya, ‘Ay, ayoko na, magbi-business na lang ako.'

“ Sabi ko, 'Isipin mong mabuti.'

“'Isa lang naman, e. Hindi naman natin gagawin na linggu-linggo.'

“'Kapag type mo pa, baka ituloy natin.'

“After a day, nakatanggap ako ng tawag pero hindi sa kanya.

“Yung close friend din nila na nag-set kaagad ng meeting, the following day.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun na, pinag-usapan ano ang concept, etcetera.

“Sabi ko, 'Umpisa na tayo, shooting na tayo kahit wala pang kontrata.'

“Meron siyang ni-refer sa production, kung sinong direktor. Choosy si Kris.

“Parang babalik naman siya, binigyan ko siya ng blanket authority na, 'Sige, sabihin mo ano gusto mo kasi ayoko din namang gagawa tayo ng just-just lang.'

“Si Kris lang ang kausap ko.

“Parang freelance lang naman siya at that moment.

“Sabi niya, 'Tita, may problema tayo. E, gusto po natin mag-show, kailangan po may channel tayo.'

“So nagpunta ako sa dalawang channel [ABS-CBN and GMA-7], kung sino yung mabilis sumagot, doon ako bumili ng blocktime.

“Nagmamadali na kami, akala ko naman, magagawa ng ganyan, overnight lang.

“Hindi ako nahirapan sa GMA, two days lang ‘yon [negotiation].

“Makulit ako, e.

“Sa ABS-CBN, actually, meron naman sila dapat, e.

“Kaso, marami nang naka-schedule dun sa slot na gusto namin.

“At the same time, yung mga ipinu-produce nila, yun muna yung isu-show dun.

“Paano mo naman sisikuhin ‘yon?

“Ako’y nagmamadali, so tinanong ko sila, 'Puwede ba tayo sa kabila?'

“Since it’s blocktime, gustung-gusto ko na mag-show, so I moved heaven and earth to have a blocktime.

“Nung in-offer ko ito kay Kris, hindi ko inisip na dapat palang kumita o may kikitain.

“Kinausap lang ako ng mga nakapaligid sa akin,’Naku Doray, hindi ka nagdo-donate o something.'

“'Puwede kang kumita diyan,'” ang natatawang kuwento ni Morales na confident na tatangkilikin ng publiko ang television special ni Kris dahil miss na miss na ng televiewers ang actress/TV host.



Stories We Are Tracking

Kris Aquino travel special on GMA-7 gets new airing date
Kris Aquino travel special on GMA-7 gets new airing date
Kris Aquino reveals TV network to air her travel special
Kris Aquino reveals TV network to air her travel special





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN