Daniel quips he will allow Kathryn to wear two-piece for Darna but under one condition...

by Allan Sancon
Apr 6, 2017

Isang malaking hamon para kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang kanilang upcoming fantasy series na La Luna Sangre.

Ito ang third installment ng Lobo (starring Piolo Pascual and Angel Locsin) at sequel ng Imortal (starring John Lloyd Cruz and Angel).

Piang-usapan nina Daniel at Kathryn ang kanilang new TV series sa press con ng upcoming movie nila na Can’t Help Falling In Love na ipapalabas simula April 15.

Kamakailan, pinakita ang teaser ng Luna Sangre kunsaan may martial arts showdown ang mga karakter ng Kathniel love team.

Kamusta ang paggawa ninyo ng stunts para sa teaser?

Kathryn: “Grabe kung nakita niyo lang kung paano yun ginawa. Sumuka kami ni DJ. Ang hirap. Dun ko na-realize na grabe pala ang teleseryeng ito. Iba nga talaga pag action. Nag last day shooting kami for the movie, tapos diretso kami sa taping ng La Luna Sangre for the trade launch teaser.

Yung para sa ilang moves lang, especially yung sa ‘min, ang tagal mo ire-rehearse tapos yung form, yung lahat, ang hirap niya talaga. Pero na-excite ako mapanood yung outcome and nandiyan pa si Direk Cathy [Garcia] na talagang tinuro sa amin kung ano gagawin namin, ang maganda noon, gagawin pa niya, para maturo sa ‘min.”

Continue reading below ↓

Paano niyo pinaghandaan ang mga fight scenes?

Daniel: “May training kami. Nag-training din kami para dun sa mga aksyon na eksena.


Yung moves niyo rito...

Kathryn: “Mahirap. Mahirap siya.”

Daniel: “Lahat calculated. Mas maliit, so mas mahirap.”


Ano yung inspiration nung itsura ng look niyo dun?

Daniel: “Pinag-usapan na namin nila Direk Cathy ‘yan. Basta makikita niyo yung buhok ni Kathryn dun, ako nag-ano dun.”

Kathryn: “Kasi dapat may look test. Hindi kami natuloy. So nung day na yun, dun na bahala. As in yung damit ko tinupi-tupi, tinahi hanggang sa ‘Ayan! Yan yung okay.’ So lahat ng ideas binitawan lang nang ganun. Of course, si Direk Cathy, alam natin kung gano siya ka-hands on sa itsura, sa looks, sa outfit, tapos yung sa kanya [DJ].


Ano yung reaksyon niyo na makakasama niyo ssina Angel Locsin and John Lloyd at magkakaroon sila ng cameo role sa La Luna Sangre?

Kathryn: “Alam ko nga, ako ang may scenes na kasama ko sila? Pero sila nga yung magpa-pilot. Okay din yun para sa mga fans ng Imortal at Lobo kasi siyempre yun yung aabangan kung pano nila ibibigay yung ano. Basta maganda yung mga eksena nila. Aabangan niyo.”

Continue reading below ↓


Bukod sa mga action and fight scenes niyo dun sa La Luna Sangre, ano pa yung kakaiba rito?

Daniel: “May mga kapangyarihan sila.”

Kathryn: “Siguro since gusto din natin mas masarap panoorin, so nandiyan din yung may rom-com din. So hahaluan siguro ng di ganun ka-dark katulad ng dati pero nandiyan pa rin yung action. So ibang flavor naman ‘to siguro. Mas gusto natin yung mga young audience din.

Daniel: “Correct!”


Napapag-usapan na rin naman ang action, ano komento mo gusto ng mga fans mo pwede ka daw maging si Darna?

Kathryn: “Si Ding si Daniel....(sabay tawa) Hahaha! Para sa ‘kin nag-iisa lang ang Darna, ’yan si Ms. Angel Locsin. Siya ang the best!


Since hindi na siya ang gaganap, sino na ang papalit?

Pabirong sabi ni Daniel: “Ako na lang kaya? Hahaha!

Kathryn: “Siya [Daniel] na nga lang! At Si Barna si Tita Karla [Estrada, mother of Daniel]. Hahaha!”

Continue reading below ↓


Kathryn, pinangarap mo ba maging Darna?

Kathryn: “Oo naman. Sinusuot ko pa nga yung costume na yun noong bata pa ako. Siyempre, lahat naman ini-imagine na maging si Darna, ‘Ay gusto ko maging Darna,’ ganyan. Pero ang hirap kasi isa siyang napaka-iconic na Pinoy superhero, e. Ang hirap.”


Pero na-offer ba siya sa ‘yo?

Kathryn: “Wala po namang nasasabi.”


Daniel, okay lang ba sa iyo na maging Darna si Kathryn kung i-offer sa kanya?

Daniel: “Bakit muna hindi okay?”


Siyempre sa costume, papayagan mo bang mag two piece si Kathryn?

Daniel: “Ganun ba? Basta ako magtatahi ng damit.”


Noong bata pa si Kathryn , nagsuot siya ng Darna costume para sa music video ng kantang “Time In.” Ito ang Yeng Constantino song kunsaan ang lyrics ay: “Ako si Darna, ako ang dyosa / Ako ang talang nagniningning sa kalangitan / Ako si Wonder Woman, ako ang superstar”



Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING



Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results