Meg Imperial on GMA-7: I'm very happy with their treatment dahil nafi-feel ko na inaalagaan talaga ang artista.

Meg Imperial admits, "Marami kasi ang nakakaalam na I got depressed years ago and now that I recovered from it, I should always be positive."


Matagal-tagal din na hindi napanood ang aktres na si Meg Imperial sa isang teleserye.

Huli siyang napanood ay sa TV5 teleserye na produced ng Viva TV na Bakit Manipis Ang Ulap?

Nagkaroon din siya ng guest role sa Ang Probinsyano sa ABS-CBN, pero noong nakaraang taon pa ito.

Kaya marami ang nagulat na mapapanood na si Meg sa bagong GMA-7 show na D’Originals. Ang Kapuso sexy drama-comedy series na ito ay mapapanood na simula April 17.

Ayon kay Meg, lumabas na siya noon sa ilang shows ng GMA-7 noong nagsisimula pa lang siya.

Kaya hindi niya kinu-consider na baguhan siya sa Kapuso network.
“I remember nung nagsta-start ako, nandito rin ako lagi noon. Iba lang ang name na gamit ko before.

“But this is the first as me, as Meg Imperial na.

“So far, okay naman ang working environment namin.

“The staff are nice and magaan naman. Since bago ako, tinitimpla ko pa ngayon.

“It’s a good thing na I know some people na rin na nakatrabaho ko na from before.

“Thankful ako sa Kapuso Network for giving me the opportunity.

“I'm very happy with their treatment dahil nafi-feel ko na inaalagaan talaga nila ang artista.

“I'm really looking forward to this project. The cast is so fun to be with. Masaya kaming lahat sa show,” pahayag pa ni Meg nang  makapanayam namin siya sa press launch ng D’Originals sa GMA Network Center.

Nakilala si Meg sa mga nagawa niyang teleserye sa TV5 tulad ng The Sisters, Glamorosa, at Enchanted Garden.

Lumabas din siya sa Midnight DJ, Bagets: Just Got Lucky, at My Driver, Sweet Lover.

Noong lumipat sa ABS-CBN si Meg, lumabas siya sa Please Careful With My Heart, Galema: Anak Ni Zuma, at Toda Max. Siya ang isa sa mga bida ng sexy themed Moon of Desire kunsaan pinareha siya kay JC de Vera.

“I will admit na hindi tayo masyadong naging busy last year. I was going through so many personal problems.

“Pero this year, mas okay na ako. Mas driven na ako to work harder,” ngiti pa niya.

Sa D’Originals ay gaganap si Meg na other woman ng mister ni Kim Domingo na si Archie Alemania.

May isang eksena na nag-bikini showdown sila ng Pantasya ng Bayan na si Kim Domingo.

“Oh my God! Madaming dibdiban!” sabay tawa ni Meg.

Patuloy pa niya: “Marami kaming batuhan ng linya ni Kim. Siyempre, ako ang other woman dito, hindi ako magpapatalo.

“Yun naman talaga ang kailangan sa character ko dito.

“In real life naman, kailangan strong ka rin.

“Hindi naman puwedeng masyadong nagpapakahinhin sa showbiz dahil lahat tayo ay nasa competition when it comes to talent and everything else—but it's all friendly,” diin ni Meg.

Na-intimidate ba siya sa ka-sexyhan ni Kim na kilala ngayon bilang Pantasya ng Bayan?

“I’m proud to say na I’m confident with myself now.

“Marami kasi ang nakakaalam na I got depressed years ago and now that I recovered from it, I should always be positive.

“There's no way that I should be intimidated by anyone.”

Natatawa na lang daw si Meg sa ginagawang intriga sa kanila ni Kim.

“Pero between me and Kim, wala kaming problema sa isa’t isa.

“This is the first time we worked together. Ito rin ang first time na nagkakilala kami in person.

“Noong una ay may awkwardness. Nagpapakiramdaman pa kami.

“But afterwards, wala na. Tuloy-tuloy na, nagkakausap kami.

“Okay kami, wala kaming problema.

“Natatawa na lang kami sa mga chismis. One time, may ipinakita siya sa aking issue, and sabi niya, ‘Look! Ang funny. Talaga naman ang showbiz.’

“Okay ang working relationship namin. Sa mga eksena, napaka-professional and we talk about it, kung paano mapapabuti.

“Walang insecurity sa trabaho or anything. Talagang may friendship na nabuo sa cast.”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN