Martin Andanar content to be a newcaster for TV5’s "TEN"


Martin Andanar is seen every night on TV5's TEN(The Evening News) and the Sunday primetime reality police crimeshow Pulis... Pulis. He prefers to be in TV5 since he does not have todeal with the network war.



Nagmamarka si Martin Andanar bilang isa sa pinakaguwapongnewscaster at napapanood siya tuwing gabi sa TEN (The Evening News),gayundin sa Sunday primetime reality police crime show na Pulis... Pulis,both of which are aired on TV5. But, more than his looks, 'yung kredibilidadsiguro niya ang higit na nagpapaangat sa kanyang personalidad.


"Why not Channel 5?" naibalik ni Martin ang tanong nang usisain namin kungbakit nananatili siyang loyal sa network na ito, na kailan lang aynagbabagong-bihis.


"I'm happy here without much pressure. Kasi, ang trato ko rito, trabaholang talaga, hindi isipin yung kung paano ako aangat sa kumpetisyon. I canimprove and achieve more by not thinking much of the network war.


"Isa pa, wala namang nakakaisip na i-pirate ako," natatawang naidugtong paniya.


Napansin nga namin na sa katuwiran ni Martin, he's not after the popularity.Kung tutuusin, with his height and looks, marami siyang dadaiging newscastersfrom ABS-CBN and GMA-7.


"Hindi naman 'yun ang goal ko, ang maging popular. If ever, kung popularna ako, what's next? Ano naman yun? Ang importante sa akin, yung credibility.You can be famous naman with your credibility, di ba?

"Puwede kang maging popular, pero walang credibility.Mas importante sa akin 'yung credibility," diin pa niya.

Very impressive ang educational background ni Martin. Nag-graduatesiya ng college sa University of Ballarat, sa Australia, with a double degreein Film and Media Studies; Social and Political Studies. Hindi siya nagkasyaroon at nag-aral pa sa Asian Institute of Management, finishing his Masters inEntrepreneurship, at nakatapos with honors.


Maraming kilala sa entertainment press si Martin. Interesado ba siya sashowbiz? "Hindi naman sa gusto kong maging beat ko ang entertainment, kayalang, napapansin ko lang na there's a thin line between straight news and showbiz.

"Hindi maiiwasan na ma-showbizy ang mga gaya namin, atlagi na'y nalalapitan din kami ng entertainment press. Maybe because we arebeing exposed as personalities, na hindi lang yung news na dine-deliver naminang pinag-iinteresan ng mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Curious din talaga sila sa personalidad at pagkataonamin kasi, nakikita kami, napapanood," tanging nasabi na lang ni Martin.

Pero, aminin man o hindi ni Martin, mukhang mas madalisiyang matandaan, at popular na rin naman, because he has the looks. Sa policebeat niya sa Pulis... Pulis, naitanong namin kay Martin kung hindi siyapinag-iinteresan ng mga baklang pulis?

"Hindi ko alam," at natawa siya sa tanong namin."I don't have any problem with gays. Kaya lang, wala akong napapansin namga baklang pulis na lumalapit sa akin, o baka hindi ko alam na gay pala sila.


"Kasi, kapag nasa trabaho ako, trabaho lang talaga. At saka pamilyadoakong tao. I don't really talk about those things," at lalo siyang natawa.

In fact, medyo natawa kami nang sa interview namin sa ThaiKitchen ng Robinson's Galleria kamakailan, pagkatapos niya ng pagdyi-gym, kamina ang tinanong ni Martin tungkol sa aming sexuality, na para bang namamanghapa siya sa mga sagot namin.

"I find gay people very interesting, kasi, most ofthem, matatalino talaga. Bukod sa masayang kausap, masarap din silang magingfriends. I see nothing wrong with that.

"Pero, seryoso naman kasi ako at 'yung mga nagigingkaibigan kong gays, alam nila that I'm not like that. I don't need to bedefensive. Live and let live lang 'yan.

"They don't cause trouble naman. Sa gym nga, alam ko,maraming gays doon na nagdyi-gym," pagwawakas ni Martin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN