John Lloyd Cruz and Alex de Rossi surpass challenges in MMK

Sep 19, 2008
John Lloyd Cruz (in photo) plays the schizophrenic husband of Alessandra de Rossi's character in Maalala Mo Kaya.


Pagkatapos ng sunud-sunod na tagumpay niya sa mga pelikulang One More Chance at A Very Special Love, muling magpapakitang gilas si John Lloyd Cruz sa isang madramang tagpo sa Maalala Mo Kaya ngayong Sabado, September 20.

Isang challenging na role ng isang baliw (schizophrenic) ang gagampanan ni John Lloyd, na aminadong nag-research siya ng husto para sa role niya. "Bumisita pa ako sa National Mental Hospital para mag-observe ng mga baliw doon. Siyempre, inalam ko kung anong klaseng pagkabaliw mayroon ang character ko. Inalam ko rin kung paano siya inaatake, kung bakit tagusan ang tingin nila, kasi, karaniwang nasa ibang dimension sila," kuwento ng aktor.

Gaganap naman bilang kanyang asawa ang datin miyembro ng Star Circle na si Alessandra de Rossi. Kabilang sila pareho sa I Love Betty La Fea kaya naman excited ang dalawa na magsama upang bigyang buhay ang isang nakakaantig na kwento sa Sabado.

Ang MMK episode na ito ay sa ilalim ng direksyon ni Jeffrey Jeturian. Ang host ng Maaalala mo Kaya ay ang ABS-CBN President na si Ms. Charo Santos-Concio.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Lloyd Cruz (in photo) plays the schizophrenic husband of Alessandra de Rossi's character in Maalala Mo Kaya.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results