Katrina Halili gets back in shape for bikini-intensive role in D'Originals

Katrina Halili gets back in shape for her bikini-intensive role in GMA-7's new comedy series, D'Originals: "Balik na ulit ako sa pag-workout at pag-diet. Baka kasi gulatin ulit ako ng bikini scene. At least, ready na tayo."


Apat na taon ding hindi nagawang magpa-sexy ng GMA-7 actress na si Katrina Halili sa isang teleserye.

Kaya malaki ang paghahanda na ginawa niya para sa mga sexy scenes niya sa drama-comedy series ng GMA-7 na D’Originals.

Simula raw noong mabuntis at ipinanganak niya ang kanyang anak na si Katy, hindi na raw nagawang magpakita ng kanyang katawan si Katrina.

Kaya noong sabihin sa kanya na kailangan niyang mag-bikini sa ilang eksena ng D’Originals ay parang nag-panic siya dahil ang tagal na raw niyang hindi nagwu-workout at nagda-diet.

“Nawindang lang talaga ako kasi sa ika-fourth taping day, kailangan ko na raw magsuot ng bikini.

“Sabi ko, ‘Nge! Tagal ko nang hindi naggaganyan!’

“Hindi ko na alam ang hitsura ng katawan ko ngayon!” tawa pa ni Katrina nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng D’Originals sa GMA Network Center noong nakaraang April 5.

Patuloy pa ni Katrina: “Since nabuntis ako noong 2012 hanggang sa nanganak ako, hindi na ako nakapag-bikini sa TV.

“Yung mga past teleseryes ko, hindi na ako nakakapag-bikini.

“Ngayon lang nangyari sa D’Originals.

“Kaya medyo na-stress talaga ako kasi tagal ang kong hindi nag-workout talaga.

“Mabuti naman nadaan sa mga daya-dayang shots muna.

“Naitawid naman namin yung first bikini scene ko.

“Pero ngayon, balik na ulit ako sa pag-workout at pag-diet.

“Baka kasi gulatin ulit ako ng bikini scene. At least, ready na tayo.”

COMEDY ROLE. Happy si Katrina dahil for the first time ay gagawa siya ng isang comedy role. Gusto raw niyang magpahinga muna sa pagiging masyadong mataray na kontrabida.

Kuwento niya, “Actually, noon ko pa gusto mag-comedy.

“Ewan ko ba kung bakit gusto nila yung sobra akong taray at pumapatay na kontrabida.

“Gusto ko naman medyo light naman.

“Kaya after noong Sa Piling Ni Nanay, nag-request talaga ako na comedy role naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit kontrabida ulit ako, medyo funny naman ako.

“Kaya tamang-tama ang dating nitong D’Originals.

“Kahit mataray akong kabit ni Jestoni Alarcon, matatawa sila sa akin lalo na sa mga eksena ko with Ms. Jaclyn Jose na gumaganap na misis ni Jestoni.

“First time ko to work with Tita Jane sa ganitong klaseng show kaya nakakaaliw.

“Yung mga eksena namin, sobrang nakakatawa kasi ang galing-galing ni Tita Jane.

“Hindi lang siya magaling sa drama, pati comedy ang galing niya,” ngiti pa ni Katrina.

Tita Jane ang palayaw ni Ms. Jaclyn.



Stories We Are Tracking

Meg Imperial on bikini showdown with Kim: Madaming dibdiban!
Meg Imperial on bikini showdown with Kim: Madaming dibdiban!
Meg Imperial joins D'Originals; will she transfer to GMA-7?
Meg Imperial joins D'Originals; will she transfer to GMA-7?




VACATION TIME WITH DAUGHTER. This Holy Week ay sa El Nido, Palawan si Katrina kasama ng kanyang anak.

Kukumustahin daw niya ang takbo ng kanyang diving resort doon.

Lahad niya, “Doon na kami ni Katie sa Holy Week.

“Kailangan ko rin namang makita kung ano na nangyayari sa resort.

“Okay naman ang mga bookings. Hindi nawawalan, lalo na ngayong summer season.

“Yung kapatid ko ang namamahala doon at nire-report naman niya sa akin ang mga nangyayari doon.

“Kapag may mahabang time lang ako nakakapunta roon.

“Like noong kakatapos lang ng last teleserye ko, doon ako ng almost a week.

“Dahil Holy Week vacation naman, doon naman kami ng anak ko para makapagpahinga at mag-bonding.”

DRAMA QUEEN IN THE MAKING? Marami raw kasing nami-miss si Katrina sa mga ginagawa ng kanyang anak kaya gusto niya ng mahabang bonding kasama ito.

Aniya, “Dahil nagte-taping na ulit ako, minsan hindi ko na siya naaabutan na gising sa bahay.

“Kapag naabutan naman niya akong paalis pa lang, nagwawala.

“Iyak nang iyak. Bigla nagta-tantrums.

“Noong lapitan ko siya, biglang tumigil tapos tumawa.

“Aba, inaartehan ako ng anak ko!

“Sabi ng mommy ko, mana daw sa akin si Katie kasi noong gano’ng edad din daw ako, kunwaring umiiyak ako kapag aalis siya.

“Tapos, tatawa raw ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya mukhang may balak na mag-artista itong anak ko.

“Marunong nang pumeke ng iyak at napaniwala niya ako.”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN