Ina Feleo observes gentlemanly ways of Alden Richards for Maine Mendoza

Ina Feleo (left) gives her observations about Alden Richards and Maine Mendoza on the set of Destined To Be Yours.


Napapanood si Ina Feleo sa GMA-7 primetime series na Destined To Be Yours bilang si Catalina Vasquez-Rosales, ang scheming young aunt ni Benjie Rosales (Alden Richards).

Ang karakter na si Catalina ay laging kontra sa kanyang pamangkin dahil ayaw niya itong makahati sa yaman ng pamilya.

Masaya si Ina sa reaksyon ng AlDub fans sa kanyang karakter.

“Dati, pag may nagko-comment ng, ‘Bwisit ka, Catalina!’ medyo nahi-hurt ako,” pakli ng two-time Cinemalaya Best Actress.

“Pero this time around, pag nanonood ako ng show, nakikipagsagutan pa ako minsan sa mga nagtu-tweet sa akin.

“It has become a lot of fun. Sa fans ako naaaliw. Kasi minsan, gigil sila, pero minsan naman, tuwang-tuwa rin sila sa pagmamaldita ni Catalina.”

First time makatrabaho ni Ina sina Alden at Maine Mendoza sa DTBY. Puring-puri niya ang dalawa.

“Alden is super-bait. Siya kasi ang madalas nakakaeksena ko, hindi ko masyadong nakakasama si Maine.

“But the few times na nakasama ko si Maine, mukhang mabait din siya. Tahimik.

“Nung minsang may bisita ako na dumalaw sa set at nakichika sa dressing room namin, tahimik lang si Maine at konti lang yung mga hirit niya.

“Pero nung mag-eeksena na kami, biniro niya ako tungkol sa bisita ko. Pumunchline! Natuwa naman ako.

“Fan kasi ako ng pagkakomedyante ni Meng at paborito ko ang AlDub, especially nung nagsisimula pa lang silang sumikat.”

Dagdag pa ni Ina, may mga eksena si Maine bilang Sinag Obispo na ang galing ng hugot nito at hindi mo iisipin na bago lang ito sa pag-arte.

“I think, sobrang komportable na niya sa harap ng kamera,” dugtong ni Ina.

Sa set ay madalas daw niyang nakikita yung pagiging gentleman ni Alden kay Maine. Laging may pag-alalay si Tisoy kay Menggay.

“Both of them are very hardworking. Lagi ko ngang inaasar si Alden na iba talaga yung gatas na iniinom nilang dalawa dahil lagi silang may energy para sa work goals nila!”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Maine to topless Alden in DTBY:
Maine to topless Alden in DTBY: "Mag-diet ka nga!"





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN