Mocha Uson suspended TV show to resurface in another channel

IMAGE Courtesy: Mocha Uson Blog on Facebook

Sa harap ng Filipino community sa Saudi Arabia, inanunsiyo ni Mocha Uson na magbabalik na sa ere ang kanyang suspendidong TV show sa DZRH News Television na Mocha Uson Blog: Boses ng Ordinaryong Mamamayang Pilipino. Sa pagkakataong ito, sinabi niyang  sa PTV4 na ito mapapanood sa mga susunod na araw.



Inanunsiyo ng sexy singer-turned political blogger na si Mocha Uson na malapit nang bumalik sa ere ang suspendido niyang TV show na Mocha Uson Blog: Boses ng Ordinaryong Mamamayang Pilipino.

Sa pagkakataong ito, hindi na sa DRZH News Television ng Manila Broadcasting Company kundi sa bago nitong tahanan, ang PTV4.

Kahapon, April 11, sa harap ng Pinoy community sa Saudi Arabia, inanunsiyo ni Mocha ang balita.

Kasama si Mocha sa opisyal na delegasyon ng Pangulong Rodrigo Duterte sa three-country state visit nito sa Middle East.

Read: Malacañang defends Mocha Uson's inclusion in President Duterte's Middle East delegation

Sabi niya sa video ngevent na kuha sa Saudi Arabia, “[Alam niyo ba yung] Mocha Uson Blog the TV show? Magkakaroon na po ito ng bagong bahay, sa PTV4.

“Kaya po mas marami pong mga hinaing natin ang mapagtutuunan po ng pansin ng ating gobyerno dahil po doon po natin ipaparating po. Karagdagang plataporma lamang po yun dun sa [Mocha Uson Blog] Facebook.”

Matatandaang nitong nakaraang March 23, sinuspinde ng pamunuan ng MBC ang commentary show ni Mocha dahil sa hayagan niyang paninira at pagmumura kay Vice President Leni Robredo.

Read: Mocha Uson commentary program suspended due to offensive attacks against VP Leni Robredo


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN