Brillante Mendoza taps Nonie and Shamaine Buencamino for project about suicidal tendencies

Brillante Mendoza (in photo) directs Nonie and Shaimaine Buencamino in Pagtataposwhich will air on TV5 on April 22, 2017.



Hindi nahirapan si Direk Brillante Mendoza na kumbinsihin ang mag-asawang artista na sina Nonie at Shamaine Buencamino na tanggapin ang proyektong Brillante Mendoza Presents: Pagtatapos, ang monthly made for television movies na ipinapalabas sa TV5.

Ang kuwento kasi nito ay may kinalaman sa pagkakaroon ng suicidal tendencies ng bidang karakter na si Shaira (Gabby Padilla), na anak nina Nonie at Shamaine sa istorya. Matatandaang nag-suicide ang anak nilang si Julia Buencamino nang magbigti ito noong July 7, 2015.

(Read: 15-year-old daughter of Nonie and Shamaine Buencamino commits suicide)

Ani Direk Brillante, “Kasi nung nakita naman nila yung script, hindi naman siya exploitative, e. Part of the story here is that yung bata, yung lead natin mayroon siyang suicidal tendencies.

“Ang feeling ko it’s an important topic that we should all be aware of lalo na makikita natin dito na may kinalaman talaga ang pamilya sa mga situwasyong ganito. So, dapat pinag-uusapan siya para maging aware hindi lang ang mga miyembro ng pamilya but even the community. Dito kasi na-involve ang school, na-involve ang teacher. So, importante iyon kasi ito yung mga bagay, yung usapin na hindi natin talaga binibigyan ng pansin.”

Depensa pa ng Cannes award-winning director, hindi niya kinuha ang mag-asawa para gawing kontrobersiyal ang Pagtatapos.

“Of course, we don’t want to capitalize yung situation na iyon. I think the reason why I got Shamaine and Nonie kasi mayroon din silang sariling advocacy. Kasi they want people to know about suicide. Gusto nilang pag-usapan ito especially after sa mga nangyari sa kanila, sa anak nila. So, ito it’s part of their therapy noong una, according to Nonie. But at the same time habang tumatagal naging advocacy na rin nilang mag-asawa.”

Nakausap ng PEP.ph si Direk Brillante sa presscon at special screening ng Brillante Mendoza Presents: Pagtatapos nitong Martes, April 18, sa SM Megamall Director’s Club.

Dumalo rin sa event si TV5 President and CEO Chot Reyes; SM SVP for marketing and communications Millie Dizon; at ang ilang cast members na sina Racquel Villavicencio, Nonoy Froilan, at Vim Nadera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 

THANKFUL TO TV5. Nagpapasalamat si Direk Brillante sa Kapatid Network sa pagbibigay sa kanya ng oportunidad na mai-showcase ang kanyang mga obra maestra at istilo ng pagdidirek sa Brillante Mendoza Presents.

“Kasi alam naman natin ang positioning ng mga network ngayon, pero with TV5 to give me this opportunity ay sobrang napaka-grateful ko. Ako kasi ang prayoridad ko rito is really the film and the story. I am not interested with popularity, with stars, with ratings, but I’m interested with stories. At ang TV5 ang nagbigay ng ganitong oportunidad. I think no other network will ever do this kind of endeavor. Because I’m given full creative freedom.

“Kumbaga hindi sila nakikialam sa istorya, sa casting. Kung ano yung ano ko, they will just say, ‘Okay Direk, just do it, bahala ka. You know better than us,’” ani Direk.


Matapos maipalabas ang Tsinoy noong Pebrero at ang Everlasting noong Marso, pangatlong handog na ng Brillante Mendoza Presents Pagtatapos, na mapapanood sa TV5 ngayong Sabado, April 22, at 9:30 pm.


FUTURE TV5 EPISODES. Narito ang mga synopsis ng mga episodes ng Brillante Mendoza Presents:

Just in time for Graduation, Pagtatapos (April 22) is the story of Shaira Torres, who is on her final year in the Philippine High School for the Arts-Makiling. She directs her thesis, the Maria Makiling legend told through a Pangalay dance routine, as she simultaneously deals with her family problems back at Manila. Shaira's disconnection with her father, caused by her mother's leaving, leads her to the dark side of her psyche and eventually, to resonate with Maria Makiling who according to the legends is also bitter because of a lost love.           

Panata (May 27), which follows the story of Mario, a Marinduque mask maker who became a student activist and later on questioned his faith in God when he joined one of the rebel’s clandestine gatherings up in the mountains.  

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Anak (June 24)
will showcase Obando Fertility Rites in Bulacan, showing how an old barren couple – against all odds - will miraculously have a child.


In Kadaguan (July 29),
brings us to the Kadaugan sa Mactan Festival in Cebu where Tere and former boyfriend reunite. Johann is surprised that Tere is already a mother and troubled as he gets to know her son, and contemplate the future of their relationship.


Habilin (August 26)
is about the inheritance issued of two sisters—Susan and Rosa involving their ancestral house and farmland in court. Later on, Rosa dies while recovering a terminal illness along with her issues with her family and husband, Fidel Luna. Fidel shows his undying love by weaving an Abel cloth, a burial shroud for Rosa Luna.






WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN