Dominic Ochoa guests in "That’s My Doc"


Dominic Ochoa is tapped to play Macky, the father of Butching (Celine Lim) in the sitcom That's My Doc. The actor is part of ABS-CBN's afternoon TV series Ligaw na Bulaklak.



Namataan kamakailan si Dominic Ochoa na bumisita sa isang batang diumano'y anak niya na matagal na nawalay sa kanya.

Nang tanungin naman si Dominic hinggil dito, nilinaw agad ng aktor na ang dinalaw niya ay ang child star na si Celine Lim bilang bahagi ng kuwento ng tine-tape nilang episode para sa ABS-CBN sitcom na That's My Doc.

Simula nang umere ang naturang sitcom sa Kapamilya Network, hindi pinapakita ang mga magulang ni Butching (Celine Lim) na inaalagaan ni Tita Ocs (Nova Villa).

Gagampanan ni Dominic ang papel na Macky, ang amang seaman ni Butching na hindi niya nakita ng maraming taon.

Magiging mailap ang bata sa kanyang ama kung kaya't to-the-rescue si Doc Aga (Aga Muhlach) para maayos ang samahan ng dalawa.

Makakaramdam din ng pagseselos si Butching sa bagong panganak na baby ni Cita (Pokwang) at Buddy (Bayani Agbayani) dahil nasasapawan na siya nito bilang baby ng bayan sa Brgy. Tabuneknek.

Maayos kaya ni Doc Aga ang bagong gusot na ito?

Sundan ang isa na namang kwelang episode ng That's My Doc, ngayong Sabado (September 20) pagkatapos ng Cinema PFJ: Da King on ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN