Bianca King on network transfer: "Hindi ako naging overconfident na, 'Ay, nasa ABS-CBN ako.'"

Bianca King reveals why she kept her new ABS-CBN teleserye Pusong Ligaw her "deep, dark secret" for some time: "Wala akong tinawagan, wala akong sinabihan. Kasi nandoon pa rin sa akin yung takot na baka hindi siya matuloy, o baka palitan ako, o baka hindi siya maipalabas. So, itinago ko siya."


Inamin ni Bianca King na wala siyang sinabihan noong makatanggap siya ng offer mula sa Star Creatives para gumawa ng project bilang isang Kapamilya.

Mula sa GMA-7 ay lumipat ng TV5 si Bianca, hanggang sa nawalan siya ng shows at pansamantalang namahinga sa showbiz.

Ngayon ay mapapanood na siya sa bagong ABS-CBN afternoon series na Pusong Ligaw, na magsisimulang umere ngayong April 24.

Kahit nga raw ang mga kaibigan niyang mga artista na dating mga Kapuso at naging Kapamilya ay hindi sinabihan ni Bianca.

“Wala akong tinawagan, wala akong sinabihan.

“Kasi nandoon pa rin sa akin yung takot na baka hindi siya matuloy, o baka palitan ako, o baka hindi siya maipalabas.

“So, itinago ko siya.

“Para ko siyang deep dark secret na nagte-taping na ulit ako for a show.

“Hindi ako naging overconfident na, ‘Ay, nasa ABS-CBN ako,’ hindi ganun.

“So, it was a very good mindset for me to go to ABS with a beginner’s mind,” sabi ni Bianca.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bianca sa grand presscon ng Pusong Ligaw na ginanap sa Dolphy Theater noong nakaraang Miyerkules, April 19.

IZA CALZADO. Pero kinalaunan ay may sinabihan din si Bianca tungkol sa paglipat niya sa ABS-CBN.

“Siguro ang una kong sinabihan nung medyo may confidence na ako na hindi ako papalitan, si Iza [Calzado].”

Ano ang sabi ni Iza sa kanya?

“Hindi ko puwedeng sabihin kung ano yung sinabi niya.

“It’s between close friends na lang.

“Very personal siya, hindi ko siya puwedeng i-share talaga,” pakiusap niya.

Pero ilang weeks since matanggap niya ang offer bago niya nasabi kay Iza?

“Matagal, buwan.

“Ilang buwan na ako nagte-taping bago ako nagsabi sa mga tao.

“Kasi nga nandun yung fear ko na baka hindi ako maka-deliver.

“O baka they might change their minds sa story tapos tanggalin yung role ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ANGEL LOCSIN. Natanong din ng PEP si Bianca kung nagkita na ba sila ni Angel Locsin ngayong nasa ABS-CBN na siya.

Naging magkaibigan din kasi sila ni Angel matapos nilang magsama sa maraming TV shows noon sa GMA-7 tulad ng Mulawin.

Lahad niya, “Hindi pa nga kami nagkikita ni Angel.

“Ilang soap din yung pinagsamahan namin before.”

May communication pa rin ba sila ni Angel?

Pag-amin niya, “Not as often anymore.

“Pero pag nagkikita kami, super tsika pa rin.

“Pero hindi rin kami ganun kadalas magkita.”

Wish niya bang makatrabaho ulit si Angel?

“Oo naman!

“Lahat, actually [ng ABS-CBN talents].

“Pag nasa isang network ka nang matagal, nae-excite ka sa idea na maka-work mo ang ibang artists from another network.

“So, for me gusto kong makatrabaho lahat talaga.”

WISH LIST. Dahil nasabi na nga niyang gusto niyang makatrabaho lahat ng mga taga-ABS-CBN, sino ba ang mga priority niya sa kanyang wish list?

“Si Piolo [Pascual],” kinikilig niyang sambit.

“Gusto ko si Piolo, gusto ko si Jericho [Rosales], at saka si John Lloyd [Cruz].

“Sa girls naman, si Kim Chiu. Who else? Yung mga bagets, puwede?

“Si KathNiel, at saka si Liza [Soberano]. Baka puwede akong maging mom ni Liza or baka big sister na lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN