Gerald on Kim Chiu: "Kung nasaan man ako ngayon, si Kim po yung nakasama ko."

IMAGE Noel Orsal

Gerald Anderson recalls initial awkwardness for Kimerald teleserye Ikaw Lang Ang Iibigin.



Aminado si Gerald Anderson na nakaramdam siya ng awkwardness noong una silang mag-taping ni Kim Chiu para sa kanilang reunion teleserye sa ABS-CBN na Ikaw Lang Ang Iibigin.

Matagal na panahon din ang nagdaan na hindi sila nagsama sa isang proyekto lalo na matapos ang hindi nila magandang breakup bilang mag-boyfriend noon, na nagresulta rin sa pagkabuwag ng tambalan nila.

“Hindi naman po maiiwasan [na ma-awkward], siyempre po. Ang tagal na rin naming hindi nagsama. But at the end of the day it will be inevitable at magkakasama ulit kami.

"Masyado pong marami ang mga sumuporta sa amin para hindi pagbigyan yung mga fans namin dati, and they really deserve it. And yung mga bagong fans ngayon, ang masasabi ko maganda po yung mapapanood nila,” sabi ni Gerald.

Ngayon nga ay muling nabuo ang Kimerald loveteam at masaya si Gerald sa balik-tambalan nila ni Kim.

“Personally, masaya lang ako na mayroon akong ganitong oportunidad na siyempre makasama ulit si Kim. Kasi simula pa lang ng career ko, kung nasaan man ako ngayon, si Kim po yung nakasama ko, so I’m taking this opportunity as a gift from God, at opportunity na makasama siya ulit. Sobrang masaya lang ako and privileged.”

Binalik-tanaw pa nga ni Gerald ang naramdaman niya sa unang eksena nila sa taping ng teleserye magsisimulang umere sa May 1

“Nung nakasama ko siya sa unang eksena, sobrang familiar na weird, kasi nga parang natulala ako for a while, lalo na nung nanood ako ng playback. Ganun ako na tao, e, I just try to live in the moment, at medyo nawala ako doon for a while, kasi hindi ako makapaniwala na nangyayari ito.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gerald sa grand presscon ng Ikaw Lang Ang Iibigin noong Lunes, April 24, sa 9501 restaurant sa loob ng ABS-CBN compound.


DISCOVERING THE PRESENT KIM. Sa pagsasama ulit nila, ano ang bagong na-discover ni Gerald kay Kim ngayon?

“Actually, hindi siya doon sa maraming na-discover. Nakakatuwa kasi parang ganun pa rin siya in a good way. Siyempre ang tagal na hindi kami nagsasama lalo na po sa trabaho na three times a week ko siya makakasama. Pero ang nakakatuwa kahit ano po ang nangyari at ano po yung narating niya, ganun pa rin siya.

“Pero iba yung energy niya ngayon. Siya lang ang may energy na ganun. Minsan kailangang kong lumayo kasi, ‘Grabe, yung energy niya.’ Hindi siya nauubusan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero it’s great, it’s amazing sa set kasi nga from the cast, from the crew, nakakahawa yung energy niya, e. Iyon ang maganda. It’s great to work with people na katulad niya, na ganun ka-passionate sa trabaho kahit pagod na.

“Isa pa sa mga na-discover ko, dati pa grabe na po yung determination niya, pero ngayon ibang klase. Ngayon lang po ako nakakita ng tao na walang tulog, galing sa shooting, dumiretso sa isang 21K [race], amazing. Kasi mahirap po iyon, mentally and physically napakahirap nun.”

Nakita rin daw ni Gerald na mas nag-e-effort na si Kim sa mga bagay na hindi niya ginagawa dati gaya ng pagpapatawa. Ipinagmalaki niya rin na pareho na nilang alam ang responsibilities nila.

“Ngayon parang baligtad na yung nangyayari. Dati kami yung nagdyo-joke para patawanin siya, ngayon siya na yung nagdyo-joke.

"And as a person, pareho kami, siguro mas buo at alam namin yung responsibilities namin. Alam namin kung ano yung mga nagpapasaya sa amin at kung paano kami makapagpapasaya ng ibang mga tao.”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN