Ogie Alcasid says daughter Leila gets a lot of offers but...

IMAGE From Instagram account of Ogie Alcasid


Humiling ng one-year break mula sa school ang panganay na anak ni Ogie Alcasid na si Leila Alcasid para mapag-isipan kung ano ang gusto nitong kurso sa kolehiyo.

Naka-one year na kasi ito bilang freshman college student sa Sydney, Australia, at dito sa Pilipinas ipagpapatuloy ni Leila ang pag-aaral.

Pumayag si Ogie sa hiling ng anak na magpahinga muna from school at mag-enjoy ngayon sa atensyon ng showbiz sa kanya.

"Naging busy bigla ang anak ko," komento ni sa Ogie tungkol sa anak niya sa dating misis na si Michelle Van Eimeren.

"Sunud-sunod ang mga guestings niya, mga photo shoots. She also has acting workshops.

"Natutuwa naman ako sa importansya na binibigay ng mga kaibigan natin sa trabahong ito sa anak ko," pahayag ni Ogie nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Naganap ang interbyu sa press launch ng Platinum: World's Favorite Hit Songs... Live! sa Passion Restaurant, Resorts World Manila, kung saan guest si Ogie.

Ang Platinum..., na headlined nina Morissette Amon at Tanya Manalang, ay magaganap sa May 6, sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila.

Ibinahagi ni Ogie na isa sa workshops din ni Leila ay ang pagsasalita nito ng diretsong Tagalog.

"Leila has a very thick Australian accent kasi nga doon na sila ng kapatid niyang si Sarah na lumaki sa Australia.

"Pero minsan napakinggan ko si Leila na nagta-Tagalog. Nagagawa na niyang matanggal yung accent.

"Sabi ko naman sa kanya, practice lang siya nang practice. Maghanap siya ng mga makakausap in Tagalog.

"Kasi kung ako ang kausap niya, mahirap kasi Inglesero din ako!" tawa pa ni Ogie, na nag-aral sa De La Salle University at University of the Philippines.

Marami raw offers na dumarating kay Leila, pero pinag-aaralan pa raw ito lahat ni Ogie dahil gusto niyang ready ang anak sa papasukin nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"That's why she’s taking all these workshops para maging ready siya, in case na may magandang offer na dumating.

"Importante sa akin yung matutunan niyang magsalita ng Tagalog na maayos.

"Kasi paano ka naman aarte sa TV or movie kung baluktot ang dila mo sa Tagalog, di ba?” diin pa ni Ogie.

Pero may usapan ang mag-ama na priority pa rin ni Leila ang pag-aaral.

"Yun naman ang reason kung bakit siya nandito, e.

"Usapan namin iyon ng mommy niya na dito sa Pilipinas magtatapos ng college si Leila.

"Back in Sydney, Leila took up a political international studies course. Pero mukhang gusto niyang mag-iba ng course dito.

"Leila loves to write kaya she’s looking into taking up a course in English Literature or Mass Communication.

"Wala pa naman kaming napipiling school for her. But since taga-U.P. ako, I showed her the curriculum. Pero we will be looking at other schools as well.”

LEILA & REGINE. Noong nakaraang 47th birthday ng misis ni Ogie na si Regine Velasquez, naging simple pero punung-puno ng halaga ang pagbati ng mag-amang Ogie at Leila.

Sa Instagram account ni Ogie, ito ang kanyang naging greeting:

"Happy bday to you my love @reginevalcasid God bless you and may He grant all the desires of your wonderful heart. I love you”

Si Leila naman ay ito ang pagbati sa kanyang stepmother:

"Happy happy birthday @reginevalcasid Thanks for everything always”

Tampok si Leila Alcasid sa April 2017 issue ng YES! Magazine bilang isa sa "12 Celebrity Kids That You Need to Know Now."





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN