Jodi Sta. Maria will have Richard Yap and Robin Padilla as leading men in teleserye

IMAGE From Instagram account of JodiStaMariaPH / Robin

Jodi Sta. Maria will have Richard Yap (left) and Robin Padilla as leading men in an upcoming ABS-CBN teleserye.



Magsisimula nang gumiling ang kamera para sa bagong teleserye ni Jodi Sta. Maria sa ABS-CBN. This time, hindi lang isa kundi dalawa ang leading men ni Jodi for her TV comeback.

According to our reliable source, Jodi’s new leading men are Richard Yap and Robin Padilla.

Ang bagong proyekto sa Kapamilya Network ang kauna-unahang pagkakataon na makakatrabaho ni Jodi si Robin.

Si Richard naman ang isa sa mga leading men ni Jodi sa Star Cinema movie na The Achy Breaky Hearts. Ang rom-com na ito na pinalabas noong 2016 ay pinagbidahan rin ni Ian Veneracion. 

Ang JoChard love team nina Jodi at Richard ay huling nakita sa daytime teleserye na Be Careful with My Heart na umere mula 2012-2014.

Dagdag pa ng aming source, may title na ang teleseryeng gagawin nina Richard-Jodi-Robin. Kung hindi magbabago, ang titulo ng proyektong pagsasamahan nilang tatlo ay Sana Dalawa ang Puso Ko.

Base sa title, may hint na may love triangle ang kwento ng Richard-Jodi-Robin teleserye.

As of this writing, tuluy-tuloy ang ginagawang production meeting para sa bagong drama-series ng Kapamilya Network.

Sa isang interview kamakailan with Jodi, nagsalita siya tungkol sa possibility na makatrabaho si Robin sa isang proyekto.

"Kung matutuloy man ‘yan, siyempre sobrang excited ako. Sino ba naman ang ayaw makatrabaho ang isang Robin Padilla, hindi ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN