Did Kim Chiu and Gerald Anderson feel kilig while watching the comeback of Kimerald?

IMAGE Mark Atienza

Kim Chiu on ex-boyfriend Gerald Anderson, "Parang it's seven years ago nang huli kaming magkasama sa TV."



Na-overwhelm sina Kim Chiu at Gerald Anderson sa pagdagsa ng fans nila sa Trinoma Cinema 7 noong Linggo, April 30, para sa special screening ng kanilang ABS-CBN daytime teleserye na Ikaw Lang Ang Iibigin.

Hindi raw nila inakala na buhay na buhay pa rin ang Kimerald fans matapos ang ilang taong hindi nila pagsasama sa proyekto.

Ani Kim, “Hindi ako makapaniwala na marami pa rin sila. Sobrang nagpapasalamat lang kami sa suporta nila hanggang ngayon.”

Dagdag pa ni Gerald, “Para sa kanila yung show na ito, e.”

Saglit na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Kim at Gerald pagkatapos ng special screening.

Ipinalabas sa special screening ang cinema edit ng pilot week ng Ikaw Lang Ang Iibigin, kung saan ipinakita kung paano nagkrus ang landas noong mga bata pa lang ang mga karakter nina Kim at Gerald na sina Bianca at Gabriel, respectively, pati na rin kung paano naging parte ng buhay nila ang triathlon.

First time lang din daw mapanood ito nina Kim at Gerald. Ano ang reaksyon nila sa napanood nila?

“Masaya po and it’s a great experience. Parang it’s seven years ago nang huli kaming magkasama sa TV and then it feels good to have this kind of project with this kind of theme para ipakita sa mga tao. So, excited kami to inspire a lot of people na gawin din ito. It’s not just a love story, parang sports and lifestyle na rin siya,” ani Kim.

Ayon naman kay Gerald, “Masayang-masaya. Excited lang ako na makita ito ng maraming tao kasi pinaghirapan ng maraming tao iyan. Mahirap talagang gawin ang show na iyan, so we’re happy. It’s been one year and ngayon ipapalabas na.”

May kilig ba noong pinapanood nila ang kanilang mga eksena lalo na’t kinikilig at nagtitilian din ang kanilang fans?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Natatawa lang kami sa mga tao. So, ang saya. Sana panoorin nila gabi-gabi kasi marami po talagang aral ito, sa family, sa sarili, sa love, sa kaibigan,” sabi ni Kim.

Natawa naman si Gerald bago sumagot, “Basta masaya kaming lahat.”

Ano naman ang feeling ni Gerald na si Kim ulit ang leading lady niya?

“Masaya. Ang dami naming napapasayang tao. Iyon ang role ko sa career ko, magpasaya ng maraming tao.”

Bukod kina Kim at Gerald, present din sa special screening ang mga kanilang co-stars na sina Jake Cuenca at Coleen Garcia na magiging malaking bahagi ng buhay ng dalawang bida.

Naroon rin si Francine Diaz na gumanap bilang young Kim Chiu at si Yogo Singh na gumanap bilang young Gerald Anderson.

Kabilang rin sa cast sina Gina Pareno, Bing Loyzaga, Michael de Mesa, Daniel Fernando, Andrea Brillantes, Ana Roces, Ramon Christopher, Nicco Manalo, Ivan Carapiet, Juan Miguel Severo, Via Antonio, Rolly Inocencio, Joel Saracho, Dolly de Leon, at Luke Alford.

Sina Dan Villegas at Onat Diaz ang mga direktor ng teleserye na handog ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment Television. 

Dumalo rin si Billy Crawford para suportahan ang fiancee niyang si Coleen. Sumuporta rin sa Dreamscape series ang magka-loveteam na sina McCoy de Leon at Elisse Joson, pati na ang Kapamilya talents na sina Alex Medina at Fifth Pagotan.


Stories We Are Tracking

Kim Chiu mistakenly promotes new show as primetime series
Kim Chiu mistakenly promotes new show as primetime series
Kim Chiu posts cryptic quote amid controversial daytime slot
Kim Chiu posts cryptic quote amid controversial daytime slot
Kim, Gerald react to timeslot of Ikaw Lang ang Iibigin
Kim, Gerald react to timeslot of Ikaw Lang ang Iibigin
Gerald: Kung nasaan man ako ngayon, si Kim yung nakasama ko.
Gerald: Kung nasaan man ako ngayon, si Kim yung nakasama ko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN