GAYA Boys competing for Barbie Forteza's attention




Kinaiinggitan ang GMA-7 actress na si Barbie Forteza dahil sa apat na bagong hunks na lalong magpapagulo ng kanyang buhay.

Ang kanyang character na si Billie Mendiola ay mayroong four leading men sa GMA-7 primetime teleserye na Meant To Be.

May malakas na following na ang apat na leading men na tinatawag bilang JEYA Boys. Ito ay sina Addy Raj as Jai Patel; Ivan Dorschner as Ethan Spencer-Hughes; Ken Chan as Yuan Lee; at Jak Roberto as Andoy dela Cruz.

Bukod kasi sa mga nakakatuwang paraan nila sa pagligaw kay Billie, inaabangan din ng mga televiewers ang pag-display ng JEYA Boys ng kanilang mga abs.

Pero mukhang mapapalaban ang JEYA Boys sa biglang pagpasok ng bagong apat na hunks na magkakaroon din ng interes kay Billie.

Sila ay ang GAYA Boys na binubuo nila Matthias Rhoads as Gordon Smith; Vince Vandorpe as Avi Jacobs; Carl Cervantes as Yexel Smith; at Dave Bornea as Andrew Zapata.

Si Matthias Rhoads ay Fil-American model na nagtrabaho bilang isang graphic artist sa New York. Nakilala siya ng marami dahil sa paglabas niya bilang ang groom sa “Vow” commercial ng Jollibee.

Lumabas na rin si Matthias sa drama anthology na Karelasyon at isa siya sa judges ng reality-modeling competition na The Fiercest of Them All na napapanood sa GMA News TV.

Si Vince Vandorpe ay Filipino-Belgian model at ang Meant To Be ang kauna-unahan niyang teleserye. Two years pa lang siya naninirahan dito sa Pilipinas, pero marunong na siyang magsalita at makaintindi ng Tagalog. Ang native language ni Vince ay Dutch.

Si Carl Cervantes naman ay produkto ng reality artista-search ng GMA-7 na StarStruck 6. Lumabas na siya sa ilang mga Kapuso shows tulad ng Dear Uge, A1 Ko Sa ‘Yo, Juan Happy Love Story, at Magpakailanman.

Hindi rin ito ang unang teleserye ng StarStruck 6 alumnus na si Dave Bornea. Una siyang napanood sa teleserye na Alyas Robin Hood at every Sunday siyang napapanood sa Sunday PinaSaya. Member din siya ng GMA boyband na One Up.

Dumaan sa acting workshops ang apat na bagong cast members ng Meant To Be at excited silang makaeksena si Barbie pati na ang makakaagaw nila rito na JEYA Boys.

“It's a great opportunity po na makapasok kami sa teleserye, and nakaka-excite lalo na makatrabaho yung apat na guys and si Barbie Forteza," ngiti pa ni Dave.

Ang karakter ni Dave na si Andrew ay may Spanish blood. Anak siya ng isang sikat na photographer. Only child siya kaya medyo spoiled at happy-go-lucky.

Ayon naman kay Carl: “Sobrang excited ako and for us, actually, it's just enjoying, nag-e-enjoy lang po kami. Sana mag-enjoy din yung audience sa mga gagawin naming kung ano-ano.”

Ang karakter ni Carl na si Yexel ay half-brother ni Gordon (played by Matthias Rhoads). Lumaki siyang may inferiority complex dahil madalas makumpara sa kapatid.

Parehong nangapa pa sa taping ng Meant To Be sina Matthias at Vince, pero dahil sa pinagdaanan nilang workshops, mabilis silang naka-adjust.

“We had so much fun doing the show. It’s something new for me and I hope to do more teleseryes na tulad nito,” ani Vince.

Ang karakter ni Vince na si Avi ay half-Belgian na lumaki sa London. Isa siyang quiet type of person na mahilig sa music. Siya ay pinsan ni Ethan (played by Ivan Dorschner).

Ayon naman kay Matthias: “Acting is still something I need to improve on. I’ve done a few acting in the past. But this one is a big challenge for me. I am having fun with this group.”

Ang karakter ni Matthias na si Gordon ay lumaki sa Manila ngunit pinili na mag-aral sa New York. Isa siyang gentleman na mahilig sa extreme sports.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN