Morissette Amon will join Michael Bolton as co-host of Asian talent search

IMAGE From Instagram account of Morissette Amon

Morissette Amon will co-host Bolt of Talent with American singer Michael Bolton.



Si Morissette Amon ang magiging co-host ng American singer na si Michael Bolton para sa isang Asian talent search.

Binalita ng Filipina singer sa pamamagitan ng kanyang Instagram account na kasama siya sa Bolt Of Talent.

Ang Bolt of Talent ay isang search for Asia's top musical talent. Ang mananalo ay makakakuha ng dream record deal at chance na makasama sa world tour ni Michael Bolton.

Narito ang caption ni Morissette para sa photo niya kunsaan kasama niya si Michael: "Good Morning! #latepost from yesterday's 1st day of shooting for #BoltOfTalent, so thrilled to share that I'll be joining THE Michael Bolton on his search for talents here in the Philippines and around Asia!!!! thank you so much @starworld_asia & @foxtv for this incredible opportunity, looking forward to the rest of this whole experience.. we're off to day 2! #BoltBlog #BoltonStarWorld"


UPCOMING CONCERT. Sa araw na ito, May 6, magpeperform si Morissette para sa concert titled Platinum: World’s Favorite Hit Songs Live! sa Newport Performing Arts Theatre, Resorts World Manila.

For the first time ay magsasama sa isang malaking concert ang dalawang biritera na kung tawagin ay “The Exceptional” and “The West End Discovery.”

Ito ay sina Morissette at Tanya Manalang.

Makakasama nila ang singer-songwriter and actor na si Ogie Alcasid.

The orchestra will be under the baton of Maestro Rodel Colmenar and over-all direction by Freddie Santos.

Sa naganap na press launch para sa concert sa Passion Restaurant, nagbigay ng konting patikim ng kanilang magiging performance sina Morissette at Tanya.

Inawit ni Morisette and “Narito Ako” habang si Tanya ay inawit ang “Bukas Na Lang Kita Mamahalin.”

Sa kanilang duet, inawit nila ang “Ikaw Ang Lahat Sa Akin.”

Dahil first time nilang magkasama sa iisang concert, nakabuo agad ng magandang chemistry ang dalawang biritera.

“Cool, enjoy para kaming matagal ng mag-barkada,” ani Morissette.

Para naman kay Tanya: “This is my first time to work with Morissette, and sobra akong nag-e-enjoy kasama siya lalo na kapag rehearsals. I hope mag-reflect sa concert ’yung magandang samahan namin.”

Wala raw magiging sapawan sa kanilang dalawa dahil may kanya-kanya silang mga solo numbers at ang mga songs nila ay akma sa voice range nila.

“Wala pong sapawan,” diin pa ni Morissette.

“Kasi po magkakaiba naman ang songs na aawitin namin sa spot numbers namin.

“Hindi ko lang kakantahin yung mga songs na I already know but I will also have the chance to sing yung mga world hits.

“I’m just blessed with the opportunity to become part of this concert.”

Para naman kay Tanya, importante ang ma-please nila ang kanilang audience.

“Pihikan po kasi ang Filipino audience.

“Mas mahirap sila i-please kasi the Filipino audience has a different kind of ear dahil maraming kumakanta dito.

“So talagang they are very particular, which is good because it challenges us singers to be better.”

Since parehong trained singers sina Morissette at Tanya, hiningan namin sila ng tips para sa newbie singers kung paano maaalagaan ang kanilang singing voice.

Una raw ay ang uminom ng maraming tubig at pangalawa ay ang mag-vocal exercise. Umiwas rin daw sa puyat at kailangan may tamang oras ng tulog para hindi maapektuhan ang boses.

Kailangan din daw ng proper diet at regular na exercise sa katawan.

Si Morissette ay si Johanne Morissette na tubong Cebu City at una siyang lumabas sa reality-artista search na Star Factory ng TV5 noong 2010 sa edad na 14.

Noong 2013 ay napasama siya sa The Voice PH Season 1 under the team of Sarah Geronimo.

Nakapag-release na siya ng kanyang self-titled album under Star Music noong 2014 at naging part na siya ng ABS-CBN noontime show na ASAP kunsaan isa siya sa mga Birit Queens.

Si Tanya Manalang naman ay produkto ng musical theater.

Sa edad na 8, lumabas na si Tanya sa iba’t ibang musical productions tulad ng Godspell, The Sound of Music, at The King and I.

Noong 2014, siya ang napiling maging alternate Kim sa Miss Saigon sa West End London kunsaan nakasama niya sa sa cast sina Rachelle Ann Go bilang Gigi at ang Fil-Am actress na si Eva Noblezado bilang Kim.

Parehong naniniwala sina Morissette at Tanya na panahon na nilang mag-shine bilang mga singers.

“I didn’t expect all these could happen this soon, but I am thankful and I hope to be an international star soon. I believe this is my time to shine,” ngiti pa ni Morissette.

For Tanya: “Kasi when you are young and you discover these things this early, parang you have more time to get to know yourself more pa in the coming years. And that’s what I want to tell to all the people na nangangarap din. I hope I can prove to them how versatile I am as a singer.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN