Zoren Legaspi thanks director's mom for Encantadia role

IMAGE Screen grab from 24 Oras / GMA-7

Zoren Legaspi thanks Direk Mark Reyes's mom for recommending him as one of the latest additions to the Encantadia cast.


Dahil sa paglabas ng aktor na si Zoren Legaspi bilang si Bathalang Emre sa Encantadia, muli itong bumalik sa puspusang training dahil sa mahihirap na fight scenes na kanyang ginagawa sa GMA-7 primetime telefantasya.

Kinuwento ng 45-year-old actor na inaabot sila ng halos apat na oras sa rehearsals ng fight scenes niya kasama si Janice Hung na gumaganap bilang si Bathalumang Ether.

Sa isang fight rehearsal nila ay hindi sinasadyang masipa ni Janice si Zoren sa mukha.

Ayon kay Zoren, natural daw na may nangyayaring ganung aksidente lalo na kapag fight scene ang kinukunan.

“Old school kami na nanggaling sa mga action movies, so sanay kami sa hirap.

“Actually, dito, ilang beses na ako nasipa sa mukha.

“Kaya dapat physically prepared ka, dahil very demanding ang mga eksena sa Encantadia,” pahayag ni Zoren sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ginawa nitong Facebook Live webcast kamakailan kasama ang ilang miyembro ng Encantadia cast.

Isa si Zoren sa mga sumikat na young action stars noong '90s, at pinagbidahan nito ang mga action films na Pretty Boy Hoodlum, Shotgun Banjo, Ipaglaban Mo Ako Boy Topak, Tikboy Tikas, Duwelo, Kung Marunong Kang Magdasal, Umpisahan Mo Na, Bandido, Alyas Big Time, Nag-aapoy Na Laman, Bayolente, Baliktaran at Laban Kung Laban.

KEEPING IN SHAPE. Noong hindi na raw uso ang paggawa ng action films, hindi naman daw tumigil si Zoren sa pag-alaga ng kanyang katawan.

Ang pinaka-exercise daw nito ngayon ay biking.

“Yun ang isang kailangan matutunan talaga ng artista—kailangan year-long inaalagaan mo yung katawan mo.

“Kasi may mga roles talaga na dadating na kailangan physically ready ka.

“Tulad dito nga sa Encantadia, kailangan maliksi at mabilis pa rin ang kilos mo.

“Hindi ko naman nakakalimutan ang mga naging training ko 25 years ago.

“Yung disiplina sa katawan na natutunan ko from my trainors before, ina-apply ko pa rin ngayon,” diin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HAPPY WITH VIEWERS' FEEDBACK. Ikinatutuwa naman ni Zoren ang mainit na pagtanggap sa kanya ng mga viewers ng Encantadia.

Nababasa raw siya sa social media ang magandang feedback sa kanyang character na si Emre.

“When I go out, they call me Emre and that makes me happy.

“Ang bilis ng tatak, maganda naman yung feedback kaya natutuwa ako, kaya lalo ako na-excite.

“I’m thankful sa GMA-7 kasi muli nila akong binigyan ng project.

“Because of this role, nalaman ng mga millenials na dati pala akong action star.

“Yung last teleserye ko with them was MariMar with Megan Young noong 2015 pa.

“Then I did a teleserye with ABS-CBN na Till I Met You last year and now, balik Kapuso ulit tayo,” ngiti pa niya.

RECOMMENDED BY DIRECTOR'S MOM. Ang mother daw ni Mark Reyes, na siyang direktor nila sa Encantadia, ang nag-suggest na si Zoren ang kunin nila para sa role na Emre.

Kuwento niya, “Yung mother ni Direk Mark, kilala niya ang family ko sa Los Angeles.

“Noong magkita kami ng mom ni Direk Mark sa birthday party niya, sinabi niya sa akin, ‘Alam mo ba, nagtatanong yung anak ko, si Direk Mark, kung sino ang gaganap na Emre?'

“'I told him na, alam mo ang bagay diyan ay si Zoren Legaspi.’

"Kaya sobra ang pasasalamat ko sa mother ni Direk Mark for recommending me for this special role in Encantadia."




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN