Kiana Valenciano declined solo show in rival network because of this ABS-CBN program

IMAGE From Instagram account of Kiana Valenciano

Angeli Pangilinan reveals her daughter Kiana Valenciano (in photo) turned down a solo show because she wanted to be part of ASAP.


Present si Angeli Pangilinan sa thank you vidoeke party for the media na ginawa para sa success ng Gary V Presents concert series ng kanyang asawa na si Gary Valenciano.

Magkakaroon ng season finale ang concert series on May 12, 13, 19 & 20 (8 pm) sa The Theatre, Solaire Hotel & Casino.

Makakasama ni Gary sa season finale ng Gary V Presents sina Mitoy Yonting, Janice Javier, RJ dela Fuente, Tim Pavino, Allan Silonga, Katrina Velarde, Lara Maigue, Carla Guevarra-Laforteza, Jimmy Marquez, at Bullet Dumas.

Tampok rin ang anak nina Gary at Angeli na si Kiana Valenciano.

Okay lang ba sa kanya na ipagpatuloy ni Kiana ang pag-aartista kahit maraming intriga at bashers ito?

“Yes, okay lang. She’s a good actress. She did an indie film, nanalo siyang Best Actress, sa school lang.”

What are the things that they considered bago nila pinayagan si Kiana to enter showbiz?

“Hindi. Siya yung ayaw. Ayaw ni Kiana,” paglilinaw ni Angeli.

“At the age of 15, Charo [Santos-Concio, ABS-CBN CEO and President] wanted her already.

“It was, last November sabi ni Marcus Davis sa kanya, ‘Stop running away. Embrace your being a Valenciano.'

“Marcus is a producer of so many, pati yung mga ABS-CBN station IDs. Marami siyang, Kyla, lahat. Ang dami niyang prino-produce.

“Sabi niya kay Kiana, ‘Why do you keep on running away from being a Valenciano?”

“That’s why suddenly, Kiana is listening to her father’s songs. Hindi niya alam kung gaano ka-hit si Gary. Para sa kanya daw, ‘Papa lang ‘yan, e.” Kaya hindi niya alam na may legacy, na may mga ganyan-ganyan. Hindi niya alam.

“Pero ngayon na-realize na niya. Kasi sabi niya, one of the albums of Papa niya, sabi niya, everything was a hit.

“Ganu’n pala kasikat ang Papa niya na yung mga album puro hit. Hindi niya alam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I have to thank Marcus Davis because he really told, he is the producer of the No. 1 single now, yung ‘Does She Know?’ Number one siya ngayon. Top Ten sa iTunes. Nag-number sa WAVE, sa Magic [FM radio stations].”

Ano ang plano para sa career ni Kianna? Ano ang mas priority niya: singing or acting?

“Well, she turned down a show, solo show in a competitive channel of ABS-CBN, because she wants to be in ASAP. And they were saying, hindi pwedeng ganito, hindi pwedeng ganyan, so, she turned down. Solo show na yun ha.”




WILL ANGELI RETURN AS A PERFORMER? Ano ang feeling na until now marami pa ring tumatangkilik kay Gary?

Ani Angeli, “I think it has a lot to do with our faith. If you trust in the Lord, He will direct your path. That’s what the Word says. And it says, delight in the Lord, He will give you the desires of your heart.

“This is what he loves to do. He loves to perform, and look, the Lord continues to bless Him.”

How true na kakanta si Angeli sa season finale ng Gary V Presents?

“No, bumalik lang ako nung reunion ang Music and Magic. Anak ko yun, kamukha ko lang. Hahaha! In fairness, kamukha ko siya.”

Wala na ba siyang plano na bumalik sa paggpe-perform?

“No,” ngiti niya. “Mga bagets na lang. But may I remind everybody that I was asked by FPJ [Fernando Poe Jr.] to be his leading lady in Roman Rapido."

Ang Roman Rapido ay 1983 movie na pinagbidahan ni FPJ at ang naging leading lady ay si Dang Cecilio.

Tinanggihan ba ni Angeli ang offer ni FPJ?

“No, actually, I already had a contract. Kaya lang, dinaga ako," paliwanag ni Angeli.

“Parang I went to a grocery tapos parang they were asked me what my private life, na-trauma ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, hindi pa nga ako sikat, ang dami-dami na nilang tinatanong.

"Si Kuya Ron would always say, ‘Ito ang the only people who turned me down.'

“We’ve been very close, si FPJ, because of that. I have two films, I was supposed to be his leading lady.”








WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN