Encantadia star Janice Hung auditioned for live-action remake of Disney's Mulan

IMAGE From Instagram account of Janice Hung

Encantadia star Janice Hung says, "Malay mo, the next Mulan will be coming from the Philippines, from Encantadia, di ba, nakakatuwa?"



Marami ang namimisteryuhan sa aktres na gumaganap bilang si Bathalumang Ether sa GMA-7 primetime telefantasya na Encantadia.

Ito ay ang 10-time Wushu gold medalist na si Janice Hung.

Hindi lang isang Wushu champion si Janice dahil isa rin siyang commercial model, singer, cosplayer at vlogger.

Lumabas na siya sa mga TV shows na Rounin, Wansapanataym, at Kung Fu Kids. Sa pelikula naman, lumabas si Janice sa Blood Hunters at Enteng Ng Ina Mo.

May sarili rin din siyang martial arts training school na Janice Hung Arts and Sports Foundation, kunsaan tinuturuan niya ng Wushu at ilan pang Chinese martial arts ang mga bata.

“I put up my foundation as early as now because I feel that I don't need to wait until I am famous and rich to be able to help others. I can help kids now.

“What I already have is talent and the experience competing in many arenas, that is why I want to share all I learned with kids in my foundation,” pahayag pa ni Janice.

Noong maging part ng National Wushu Team si Janice, mas tumindi raw ang passion niya para sa sport na ito. Importante raw sa sport na ito ay ang disiplina.

“Wushu is a serious, individual event and competitive sport, meaning: you are just by yourself most of the time.

“And one rarely has the time to do anything else but train smartly.

“To keep an edge over other competitors. After training, one must rest well too or burn out.

“That is why when I had the chance to share the opportunity to learn Wushu, as well as my journey as an athlete with everyone, I decided to establish my Arts and Sports Foundation. We aim to support and to train future champions,” diin pa niya.

Pero bago naging mahusay na atleta si Janice sa larangan ng Wushu, ilang beses niyang sinuway ang kanyang mga magulang dahil hindi sila pabor sa pangarap nitong maging atleta.

“My journey is hard, kasi my parents weren’t really supportive about Wushu, kasi para sa kanila siyempre pang-lalaki 'yan, parang hindi bagay daw sa akin.

“Pero pinatunayan ko talaga na gusto ko,” ani Janice.

Dahil sa kanyang pagpursige sa pag-training sa Wushu, nagawang mag-compete ni Janice sa iba’t ibang bansa at mag-uwi ng mga medalya.

“To become a champion not only in sports, but also in life.

“I know how hard it is to fulfill a dream without any support or resources. Or without a good guide or mentor helping. Without someone believing in you,” saad niya.

Maraming pinahanga si Janice sa husay niya sa Wushu at isa ito sa dahilan kung bakit siya ang napiling gumanap bilang Ether sa Encantadia.

Natutuwa si Janice dahil bukod sa marami ang nakakakilala na sa kanya dahil sa paglabas niya sa Encantadia, nagkaroon pa siya ng pagkakataon na maipakita na isang magandang source ng workout ang pag-train sa Wushu.

“Learning Wushu, even the basic workouts, has a lot of health benefits.

“The sport is good for cardiovascular health and toning muscles—like yoga.

“Wushu training also helps one improve his or her physical posture and sharpens mental faculties.

“Wushu helps one keep emotions under control and provides spiritual guidance as the training lets one learn zen principles.

“For example, using a Wushu weapon during training can increase your ability to focus, Wushu can also help you develop your self-confidence because you learn to protect yourself and your loved ones, and like all exercise regimens.

“Wushu helps one have more dedication and discipline in everything one does.”

Ni-reveal din ni Janice na isa siya sa mga Asian actresses na nag-audition para sa live-action remake ng Disney animated film na Mulan.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Janice ng ilang photos kunsaan naka-costume siya bilang ang bida na si Fa Mulan.

“Malay mo, the next Mulan will be coming from the Philippines, from Encantadia, di ba, nakakatuwa?” pagtatapos pa ni Janice Hung.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN