Gabby Eigenmann excited about May airing of My Love From The Star

IMAGE Noel Orsal

Gabby Eigenmann assures that Pinoy adaptation of My Love From The Star will be loaded with pampakilig vibes.


Malapit nang ipalabas ang Pinoy adaptation ng Korean series na My Love From the Star.

Nababalitang ito ang papalit sa magtatapos ng primetime series ng GMA-7 na Destined to Be Yours.

Ayon kay Gabby Eigenmman nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa opisina ng PPL Entertainment, Inc. kamakailan lang, “Maipapalabas na siya ngayong May.

“Excited lahat.

“Kasi, it's been, for me, more than a year in the making.

“Ang daming pinagdaanan nito, e.

“Bago ko pa gawin ang Sa Piling Ni Nanay, it was offered to me kaagad, e.

“Pero na-delay nang na-delay, na-move nang na-move.

“Nakakapag-taping na kami, nasa week seven na kami.

“Lahat kami, excited.

“Kasi, maganda ang istorya.

“Lahat ng characters kasi, importante.”

Si Gabby ang gumaganap sa karakter ni Jackson.

REUNION WITH JEN. Para kay Gabby, magsisilbing reunion nila ni Jennylyn Mercado ang My Love From the Star.

“We worked together for siguro three, four projects.

“Bata pa lang si Jen, bata pa lang din ako nun,” natawang sabi niya.

“Basta pa lang kami, kilala na namin ang isa't isa.”

Kumusta ang leading man na si Gil Cuerva?

“Si Gil, he's still young and he just enjoy what he's doing.

“It's a process, so natutuwa lang din ako.

“He's a cool guy. He's mabait,” pagpuri niya sa newbie actor.

LIVING UP TO EXPECTATIONS? Maraming naging tagasubaybay na Pinoy ang My Love From the Star at masasabing isa ito sa mga well-loved Korean telenovelas.

Masasabi kaya ni Gabby na kaya nilang ma-meet ang expectations ng mga nagmahal ng Korean series na ito?

Pag-aanalisa niya, “Well, siyempre, ang ano naman sa akin, we tend to compare.

“But at the end of the day naman, it's an adaptation.

“So, as much as possible, we try to do it na dikit sa istorya, na dikit sa ginawa nung original.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, kung mag-expect man sila, expected din namin yun na mag-expect.

“Pero ano naman, nakakakaba rin.

“Pero yun ang dapat nilang abangan kung ano ang dapat nilang i-expect.

“Si Direk Joyce Bernal naman is a brilliant director.

“She's known to be sa isang pampakilig naman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN