Dennis Trillo defends Heart Evangelista over Alwina role in Mulawin sequel

Dennis Trillo defends Heart Evangelista from bashers who claim she's not deserving to play Alwina role in Mulawin vs. Ravena.


Sa announcement/launch ng magiging bagong cast ng Mulawin vs. Ravena noong March ay may mga bashers agad si Heart Evangelista na nagsasabing hindi ito bagay maging si Alwina.

Nag-trending pa nga that time ang pamba-bash kay Heart.

Paano dinepensahan ni Dennis Trillo ang kanyang leading lady?

Sabi niya, “Well, siguro para sa akin, sana maintindihan ng mga tao, dahil siyempre si Angel, mahirap rin naman talaga siyang palitan.”

Si Angel Locsin ang gumanap na Alwina sa orihinal na Mulawin series thirteen years ago.

Depensa pa niya, “Siya ang original, pero sana maisip rin ng mga viewers na hindi pa nakakapanood kay Heart, sana bago nila pagsalitaan ng hindi maganda, tingnan muna nila kung ano yung puwedeng mai-offer ni Heart.

“Siyempre, mabibigla naman talaga siguro yung mga ibang tao na wala si Angel at si Heart ang ipinalit, pero sana tingnan muna nila kung… bago sila magsalita ng hindi maganda.

“Pero maganda talaga yung kuwento ng Mulawin vs. Ravena. Ang ganda, e.

“Una, parang medyo hesitant ako dahil fantasy ulit, tapos Mulawin

“Parang My Husband’s Lover, parang ayaw mo ng gawan ng kasunod dahil nag-hit na, e.

“Pero nung nabasa ko yung kuwento [ng Mulawin vs. Ravena], sabi ko, ‘Aba parang puwede pa! Meron pang ibubuga, marami pa.’

“Lalo na nung nakita ko yung cast.”

CAST. Ipapalabas na sa GMA-7 sa May 22 kapalit ng Encantadia, gaganap sa Mulawin vs. Ravena si Dennis bilang si Gabriel, at bukod sa kanila ni Heart ay nasa cast rin sina Miguel Tanfelix bilang si Pagaspas at ang ka-loveteam ni Miguel na si Bianca Umali ang bagong Lawiswis (na unang ginampanan ni Sam Bumatay) at Derrick Monasterio bilang si Almiro.

Si Carla Abellana ang bagong Aviona (na noon ay ginampanan ni Bianca King).

Bagong karakter naman sa naturang fantaserye si Regine Velasquez-Alcasid bilang si Sandawa, new character din ang gagampanan ni Lovi Poe bilang si Magindara at ang ka-loveteam ni Derrick na si Bea Binene ay si Anya, anak ni Aviona.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Kiko Estrada ang magiging ka love triangle ng DerBea bilang si Rafael, si Chynna Ortaleza si Rashana, ang asawa ni Gabriel at reyna ng Halconia.

Nasa cast rin si Winwyn Marquez bilang Ribay, Valerie Concepcion bilang Tuka, ina ni Lawiswis, Charee Pineda bilang Savana, Roi Vinzon bilang Daragit, Angelu de Leon bilang Lourdes (ginampanan dati ni Amy Austria), Bobby Andrews bilang Dionisio, TJ Trinidad bilang Greco, Dion Ignacio bilang Siklab, Joko Diaz bilang Antonio, David Licauco bilang Malik at si Ms. Nova Villa bilang Lola Elo.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dennis sa launch niya as endorser ng Chicken Deli chain of restaurants sa Chicken Deli branch sa SM North EDSA Annex.

TRAINING. Matindi raw ang training na pinagdaanan ni Dennis para sa papel niya bilang si Gabriel sa Mulawin vs. Ravena. Marami raw siyang fight scenes sa show.

“Kasi warrior ako dito, e.”

May mga eksena rin daw siya na naka-harness siya.

Ani Dennis, “Masakit sa umpisa, kailangang malakas ang core mo, e.”

JENNYLYN AS ALWINA? May mga nagsasabi na kundi si Heart, bagay maging Alwina si Jennylyn Mercado, dahil sa kanyang looks at pagiging athletic.

Sayang lang nga dahil may ibang show ang girlfriend ni Dennis.

Bida si Jennylyn as Steffi sa My Love From The Star kapareha ang newbie actor na si Gil Cuerva bilang si Matteo.

FAVORITE CRUSH. Samantala, nabanggit kay Dennis na crush ito ng mga newbie Kapuso female stars na si Arra San Agustin at Klea Pineda.

Ano ang reaksyon ni Dennis na maraming younger female stars na crush siya, tulad rin ni Barbie Forteza na noon pa very vocal na crush nito ang Kapuso actor.

“Siyempre nakaka-flatter pa rin naman, di ba?

“Dahil, well, ang tingin ko sa sarili ko parang beterano na dito sa industriya,” at tumawa si Dennis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero alam mo yun na nagugustuhan pa rin ako ng mga mga bagiong henerasyon ng mga artista.

“Nakakatuwa na ganyan, na kahit paaano, nilu-look up nila ako.

“Masaya ako na kahit papaano, yung nagawa kong career e kahit papaano, siguro maituturing ko na maganda, illustrious ng konti, na nagugustuhan ako kahit ng mga bata, ng mga baguhan,” pahayag niya.

Hindi ba nagseseselos si Jennylyn kapag maraming nagka-crush sa kanya?

“Hindi naman, hindi siya masyadong selosa,” paninigurado niya.

Going back to Mulawin vs. Ravena, dahil sa dedikasyon ni Dennis sa show ay hindi siya tumanggap ng ibang show o pelikula habang ginagawa niya ang MvR.

“Para mas maka-focus ako ng mabuti, Mulawin [vs. Ravena] lang talaga,” pahabol pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN