Rich Asuncion admits she felt down because: "Medyo tumataba ako."

IMAGE From Instagram account of Rich Asuncion

Rich Asuncion says her handler warned her: "Baka matagal ka pang mabigyan ng show kasi nga sa sobrang katabaan mo."




“Siyempre napakasaya naman,” ani Rich Asuncion nang matanong kung ano ang masasabi niya na patuloy na nangunguna sa ratings game ang Ika-6 Na Utos na teleserye nila sa GMA-7.

“Sobrang saya na maraming sumusuporta sa show namin. Kahit saan ako mapadpad alam nila ang Ika-6 Na Utos.

“Kahit nanonood kami ng sine sa Uptown Mall na shala [sosyal] na mall, ‘Ay kilala kita, pinapanood kita!’

“Yung ganun, yung parang lahat, lahat, halos lahat, alam talaga nila.

“Tapos kahit sa Bohol, sabi ng nanay ko, maraming nanonood ng Ika-6 Na Utos.

“Sobrang saya na naging part ako ng isang successful na show. I think this is the first show na parang ganito, na boom talaga.”

Inamin naman ni Rich na bago maibigay sa kanya ang papel niya bilang si Flor sa Ika-6 Na Utos ay malungkot siya.

“Kasi medyo tumataba ako, mahilig kasi akong kumain,” at natawa ang Kapuso actress.

“So ang sabi ni Jazel [her handler] sa akin, ‘Hoy baka matagal ka pang mabigyan ng show kasi nga sa sobrang katabaan mo,’ ganyan-ganyan.

“E, sakto yung kailangan na character dito…”

Mataba?

“Hindi naman, hindi naman,” at tumawa si Rich.

“Yung hindi lang payat,” at muling tumawa si Rich. “Iyon, kailangan ng medyo hindi payat, hindi kailangang seksing-seksi, so pasok, pasok sa banga!

“And I’m so blessed na naging part ako ng show.”

Malapit nang ikasal si Rich; nag-propose na kay Rich ang Australian boyfriend nitong si Benjamin Mudie nitong April 26 at may plano nilang magkaroon ng civil wedding this October.

Pero bago iyon ay may plano silang pumunta sa Australia sa July para bisitahin ang pamilya ni Ben.

“Pero pag na-extend pa kami [Ika-6 Na Utos], siyempre uunahin ko muna ang work.”


MADAM KILAY STORY. Bukod sa Ika-6 Na Utos ay mapapanood si Rich ngayong Sabado, June 3, sa GMA-7 drama anthology show na Magpakailanman.

Si Rich ay gaganap bilang si Janice sa episode titled Beauty In Your Eyes: The Jinky "Madam Kilay" Anderson Story.

Tampok dito mismong si Jinky "Madam Kilay" Anderson as herself, Ces Quesada as Irish, Barbara Miguel as Young Jinky, Gov Lloyd as Paul, Miggy Jimenez as Renad, Brent Valdez as Renad's friend, at Kyle Vargara as Renad's friend.

Ito ay sa direksyon ni Mark Dela Cruz.

Samantala, natanong naman si Rich kung ano ang masasabi niya na malapit ng maging tatay si Aljur Abrenica na ex-boyfriend niya?

“If he’s happy then go for it!

“Para lahat naman tayo happy, di ba?”

Ikinagulat ba niya ng nalaman niyang buntis si Kylie Padilla?

“Oo, kasi may show pa si Kylie, e, di ba?”

Ongoing noon ang Encantadia kung saan isa si Kylie sa main cast members ng mabuntis ito.

“Yun lang naman pero other than that, wala naman… kung mahal naman nila ang isa’t-isa, di ba?”

Wala silang komunikasyon ni Aljur, pero maayos naman ang sitwasyon sa pagitan nila.

“Oo naman okay naman kami ni Aljur.”

Kamusta naman sila ni Kylie?

“Oo naman, okay kami ni Kylie. Basta huwag na natin silang anuhin, basta masaya sila, masaya rin kami,” nakangiting sinabi pa ni Rich.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Stories We Are Tracking

LOOK: Sunshine-Ryza have a gym face-off in Ika-6 Na Utos
LOOK: Sunshine-Ryza have a gym face-off in Ika-6 Na Utos
10 Viral Confrontation Scenes in Ika-6 Na Utos
10 Viral Confrontation Scenes in Ika-6 Na Utos
Ryza Cenon gets anxiety attacks triggered by kabit role
Ryza Cenon gets anxiety attacks triggered by kabit role
Sunshine-Gabby serye replaces 6-week-old show Case Solved
Sunshine-Gabby serye replaces 6-week-old show Case Solved







WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN