Dennis Trillo differentiates Mulawin vs Ravena from original telefantasya

Dennis Trillo: "Ang Mulawin, naging benchmark na siya sa genre niya."


Noong May 12 ang actual birthday ng GMA-7 actor na si Dennis Trillo.

Maituturing na birthday month pa rin niya ang magiging pag-ere ng bago niyang primetime series. Ito ang inaabangang paglipad muli ng Mulawin vs. Ravena pagkatapos ng 13 years.

Natuwa si Dennis sa pangyayaring ito nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa grand presscon ng Mulawin vs. Ravena sa Hive Hotel sa Quezon City noong May 15.

Ginagampanan muli ni Dennis ang karakter niya na si Gabriel at ngayon nga malalaman kung ano ang nangyari na sa kanya makalipas ang labing-tatlong taon.

Ayon kay Dennis, “Binuhos naming lahat dito. Hindi lang ng network kundi lahat ng mga artista. Katulad ng sinabi ni Direk, staff, crew. Isang buong team effort ang ginawa namin at sana mapanood ng lahat.”

Naniniwala rin si Dennis na mas-exciting ang Mulawin vs. Ravena sa orihinal.

“Sobrang mas-exciting,” lahad niya.

“Malayo, malayong-malayo. Ang unang Mulawin, thirteen years ago. Ni wala pang mga drone camera noon. Ngayon, na-utilize talaga namin ang pag-advance ng technology.

“Ewan ko kung nakita niyo yung mga C.G.I. ng mga pakpak, mas seamless ang mga effects. Bukod dun, yung maturity ng mga characters, yung mga bago, yung mga lumang characters, lahat yun, mapapanood nila na napakaganda.”

Nag-training din si Dennis katulad ng ibang cast at isa raw sa pinagtuunan nila ng pansin ang paggamit ng harness.

“Kailangang masaya kami sa harness sa mga katawan namin. Bale may mga bagong hindi pa nakaka-try nito. Bale kami, since nagawa na namin yung dati, parang refresh course na lang ang ginawa namin.”

Noong ginawa raw ni Dennis ang orihinal na Mulawin vs. Ravena, hindi na raw niya inakala na pagkalipas ng labing-tatlong taon, posible pa pala niya itong balikan at gawing muli.

Aniya, “Never kong na-imagine yun kasi noong nagtapos ang Mulawin, naging benchmark na siya sa genre niya, sa mga fantasy. Hindi ko akalain na bubuhayin ulit siya dahil maganda na ang legacy na naiwan ng Mulawin dati, e.

“Akala ko, natatakot ang network na gumawa dahil ayaw nilang sirain ang legacy na yun.

“Pero yun na nga, masuwerte ako na isa ko sa original member na nakasali ulit dito sa bagong version ng Mulawin.”

Dahil ito ay sequel ng original telefantasya, makikita kung ano ang nangyari sa character niya na si Gabriel after thirteen years.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang dating karakter ni Richard Gutierrez na si Aguiluz ay wala na dahil namatay na siya sa movie version naman.

ON JENNYLYN. Halos magkasabay naman ang pagsisimula ng bagong serye nila ng girlfriend na si Jennylyn Mercado dahil magsisimula na rin umere ang My Love from the Star na pinagbibidahan naman nito.

Halos mawawalan pala sila ng oras sa isa’t-isa?

“Oo, medyo mauuna lang kami ng konti, tapos susunod naman yung sa kanila. Well, kapag gusto mo naman marami namang paraan. Magagawan at magagawan mo ng paraan talaga.”

Paano nila sinusuportahan ang isa’t-isa kapag ganitong pareho silang busy sa kaniya-kaniyang primetime series?

“Siyempre, kailangan palagi kang nandiyan. Kapag pagod, nandiyan ka para pasayahin siya. Ganun lang naman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN