Baste Duterte hosts TV5's adventure-reality show Lakbai without director and script

IMAGE Noel Orsal

Aminadong mahiyain ang presidential son na si Baste Duterte. Pero, dahil sa show niyang Lakbai sa TV5, unti-unti na daw siyang nag-loosen up.



Hindi naging mahirap para sa mga taga-TV5 na kumbinsihin ang presidential son na si Sebastian 'Baste' Duterte para maging host ng reality show na kanilang bubuksan.

Kuwento pa ni Baste, “Nag-offer sila ng reality, and hindi naman talaga ako artista, I’m new to this industry, hindi naman ako showbiz, ayun pumayag ako kasi reality show, wala kaming script.

“And pumayag rin sila na isama yung photographer ko at yung best friend ko. Tapos kinuha din nila si Bogart who’s from Davao City rin kaya comfortable ako.”

Bukod kay Baste, makakasama niya sa Lakbai ang kanyang mga malalapit na kaibigan na sina Atty. Alexis Lumbatan, S’boi Malicay, Andrei Apostol, at si Bogart The Explorer.

Ang lakbai ay pinagsamang salitang Bisaya na "Lakaw ta Bai" na ang ibig sabihin ay ay, “Lakad na tayo, kaibigan,” or “Alis na tayo, pare.”

Isa itong adventure-reality show kung saan lilibutin nina Baste ang magagandang tourist destinations sa bansa.

Ngayon bang isa na siyang TV personality, magiging open na ba siya sa publiko dahil naturingan siyang mahiyaing tao?

Sagot niya, “Ita-try ko lang. Ngayon nga nahihiya pa rin ako pero wala akong magagawa, e. Andito na rin lang ako. Try ko lang mag open talaga yung mga sinasabi ko, may mga na-shoot na kami talagang pinilit ko lang ilabas yun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang media si Baste sa presscon ng Lakbai, kasama ang kanyang mga co-hosts na sina S’boi Malicay, Andrei Apostol, at Bogart The Explorer, sa Novotel Hotel, Araneta Center, Cubao, Quezon City, nitong nakaraang May 12.



ON THEIR OWN.
Walang director at script ang Lakbai. Come what may kumbaga ang magiging takbo ng kanilang show. Meron lamang silang outline sa magiging takbo ng kanilang adventure sa lugar na kanilang pupuntahan.

Dagdag pang kuwento ni Baste, “Yung ginagawa namin, nagko-communicate talaga kami para malaman namin ano yung sakto para sa amin as talents, at sa production.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sinasabi namin kung anong ayaw namin at kung anong gusto namin. Kaya nagwu-workout  naman, sige kung ano na lang yung lumalabas sa bibig namin yun na yun.”

Bilang isang surfer, mas gusto daw niya puntahan ang mga surfing destinations pero nakadepende naman sila sa mga lugar na available at iba sa mga dati na nilang napupuntahan.

Kuwento ni Baste, “Yung nagtatravel ako mas gusto ko makilala yung mga tao, para malaman… I need to talk to the people to know what’s happening.

“Yung gusto ko malaman mga ginagawa nila, para malaman kung ano yung mga gusto nilang gawin na wala sa lugar ko.”

Mapapanood na ang Lakbai simula ngayon, May 21, sa TV5 pagkatapos ng PBA game.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN