Jennylyn Mercado: "Kulang ang GMA-7 ng leading men, kaya it's a good choice na maghanap ng bago talaga."

IMAGE Noel Orsal



Sa tinagal-tagal na artista ni Jennylyn Mercado, ngayon lang daw siya nabigyan ng role na kinailangan niyang magpatawa at gawing katatawanan ang character niya.

Sa Philippine version ng hit Koreanovela na My Love From The Star, gagampanan ni Jen ang role bilang si Steffi Chavez, isang sikat na artista na may diva attitude.

Nilabas nga ni Jen ang kanyang funny side na marami ang hindi nakakaalam.

“Maniwala kayo, nakakatawa ako sa totoong buhay!” sabay tawa pa ni Jen nang makapanayam namin siya sa grand press launch ng My Love From The Star noong May 18 sa GMA Annex Studio.

“Puro kasi mga heavy drama ang ginagawa ko, kaya akala ng marami, ma-emote akong tao. ‘Yung maraming hugot parati.

“Pero in real life, kengkoy ako. Sa bahay namin, mahilig akong mang-asar. Kapag kaming dalawa lang ng anak ko [Alex Jazz], nagpapalitan kami ng jokes.

“Kaya thankful ako na this time, hindi ako iyak nang iyak.

“Comedy naman ako this time. Na medyo kaaasaran ako dahil sa kaartehan at pagka-diva ni Steffi.”

Ang huling romantic-comedy na ginawa ni Jen sa TV ay ang I Luv New York noong 2006 pa.

Sa pelikula lang daw siya napapanood na nagpapatawa tulad ng English Only Please, #Walang Forever, Just the 3 of Us, at The Pre-Nup.

“Kaya noong sabihin sa akin na ang Steffi character ay comical, nagustuhan ko agad. Para naman maiba, di ba?

“Kasi for the past seven years, puro mabibigat ang mga teleserye na ginagawa ko.

“The last was My Faithful Husband na mabigat na mabigat.

“Buti naman at very light and funny itong My Love From The Star.

“Tapos si Direk Joyce Bernal pa ang direktor namin. Siya yung huli kong nakatrabaho sa My Faithful Husband. This time, tinuruan niya ako ng comic timing. Yung natural lang, pero ang bagsak matindi,” ngiti pa ni Jen.

Happy si Jen sa bagong leading man niyang si Gil Cuerva. Mabilis daw itong naka-adjust sa ginagawa niya ngayon bilang aktor.

“Noong una kasi, tahimik lang siya talaga. Alam kong kinakabahan kasi malaking role agad ang binigay sa kanya.

“Pero later on, naging okay na siya at nakikipagkuwentuhan na akin. Unti-unti, nakikilala ko na siya. May serious at funny side din pala si Gil.

“Performance-wise, okey naman si Gil. For a newcomer, nakakasabay na siya agad.

“Siyempre, may mga times na nagkakamali siya sa pag-deliver ng lines. Pero natural lang iyon sa mga baguhan. Dumaan din kasi ako sa ganyan, di ba?

“Ako naman, bilang leading lady niya, sinusuportahan ko si Gil lalo na sa mga bagay na bago sa kanya.

“Sinasabi ko nga sa kanya na dumaan din ako sa nararamdaman niya, kaya okay lang kung magkamali siya.

“Part of being an actor in the business ang magkamali ka, kaya next time matatama mo na siya” ngiti pa ni Jen.


MISSED CHANCE TO WORK WITH ALDEN. Alam din ni Jen na ang Pambansang Bae na si Alden Richards ang dapat makakatambal niya sa My Love From The Star.

Handa na raw si Jen na makatrabaho ang Pambansang Bae, pero bigla niyang nalaman na hindi na puwede si Alden at bagong leading man na ang hinahanap para sa role na Matteo Domingo.

“Si Alden ang alam ko noong una. First time ko pa naman sana siya makatrabaho sa isang teleserye. Kaya excited din ako.

“Nakatrabaho ko na ng dalawang beses si Alden sa Magpakailanman at Wagas. Kaya maganda sana ‘yung magkasama na kami sa teleserye.

“Pero biglang sinabi nila na papalitan si Alden kasi may gagawin silang teleserye ni Maine Mendoza.

“Siyempre, nanghinayang din ako kasi ready na ako to work with him. But when they said na bagong aktor ang makakatrabaho ko, okey lang. At least, bago ang mapapanood naman nila sa teleserye.

“Alam n’yo naman, kulang ang GMA-7 ng leading men, kaya it’s a good choice na maghanap ng bago talaga,” diin pa ni Jen.

Kung sakaling natuloy si Alden bilang si Matteo Domingo, paano kaya iha-handle ni Jen ang mga fans nito na kilalang very protective sa loveteam nila ni Maine?

“Kung natuloy si Alden… ako naman, sanay na ako sa mga fans, e. Alam ko na yung iba very protective talaga. May mga fans din akong ganyan.

“I will deal with them tulad ng pag-deal ko sa iba. Kung may bashing na maganap, dedma na lang, di ba?

“Kasi trabaho lang naman ang ginagawa namin, e. Pero hindi nga mawawala yung fans na sobra ang pagmamahal sa idolo nila.

“Sa 14 years ko ng artista, masasabi ko na kabisado ko na ang mga fans.

“E, noong time na nagsisimula kami, wala pang social media. As in, walang pang Facebook, Twitter, Instagram. Pero may mga bashing na noon.

“Kaya sanay na ako at ang magandang way ay ipagdasal mo na lang sila na sana maintindihan nila ang trabaho namin bilang mga artista,” pagtapos pa ni Jennylyn Mercado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN