Bea Alonzo on what makes loveteam with Ian Veneracion click: "Siguro ito yung mas matured kind of kilig."

IMAGE Noel Orsal

Bea Alonzo tries to analyze the secret behind the success of her loveteam with Ian Veneracion in ABS-CBN's A Love To Last: "Maybe because it's very relatable. Siguro ito yung mas matured kind of kilig."



Maging si Bea Alonzo ay hindi inaasahan na tatanggapin at tatangkilikin ng publiko ang tambalan nila ni Ian Veneracion sa ABS-CBN teleseryeng A Love To Last.

Nabuo ang TonDeng loveteam (base sa mga karakter nila bilang Anton at Andeng) na kinakikiligan ng marami sa kabila na pagiging pamilyado ni Ian sa totoong buhay; gayundin kay Bea na may espesyal na relasyon kay Gerald Anderson.

Na-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News ang aktres sa rehersal para sa Star Magic 25th anniversary sa 3rd floor ng ELJ Bldg. ng ABS-CBN.

Lahad ni Bea, “I’m very, very happy, kasi as cliche as it may sound, di ko ine-expect na magkakaroon ng fan base ang TonDeng.

“Nakakatuwa! Ang daming nakaka-relate.”

SECRET BEHIND SUCCESSFUL LOVETEAM. Tinanong namin si Bea kung ano sa palagay niya ang sikreto ng tambalan nila ni Ian.

Saad niya, “Maybe because it’s very relatable.

“Nakakatuwa kasi late na kaming napapalabas, pero siguro dahil light lang yung material, gustung-gusto nila na bago sila matulog, e, kikiligin sila.

“Pero alam mo yun, yung kilig na di inu-offer ng iba... kasi di ba, alam naman natin na maraming famous loveteams ngayon na mas bata?

“Siguro ito yung mas matured kind of kilig.”

Nang kumustahin naman namin kung paano katrabaho ang aktor, masayang nagkuwento si Bea na madaling katrabaho ang kapareha.

Ani Bea, “Okay naman, masaya, palabiro, madaling kagaangan ng loob.”

MOVIE PROJECTS. Nabalita na may pelikula na pagtatambalan ngayong taon sila John Lloyd at Bea.

Kinumpirma naman ng aktres na bukod dito ay may isa pang pelikula din siyang nakalinyang gawin.

“Oo. Mayroon this year na di pa yata ready ang script with John Lloyd.

“I have two movies na magro-roll this year but since I am doing this soap, baka di pa kami mag-roll.

“Pero I will be doing a movie with Direk Ruel Bayani and a movie with John Lloyd.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Separate movies yun. Di ko alam kung matutuloy this year.

“Kung hindi man, definitely may isa akong pelikulang gagawin this year, di ko lang alam kung ano dun.

“But yung isa, definitely we’ll do next year kung hindi matuloy this year.”

TOO BUSY TO WATCH TV. Balik tambalan sina Kim Chiu at Gerald sa daytime series na Ikaw Lang Ang Iibigin, pero aminado si Bea na hindi pa siya nakakapanood ni isa man lang sa episodes nito.

Masaya naman daw siya sa magandang reviews nito.

Pahabol ni Bea, “Di ko pa napapanood kasi halos araw-araw kami [taping]. pero I heard na ang ganda ng reviews, so nakakatuwa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN