Marky Cielo not threatened by the new "StarStruck" batch


StarStruck Batch 3 Ultimate Sole Survivor Marky Cielo will welcome whoever wins in the latestedition ofGMA-7's star search, StarStruck.



Ayaw magpaapekto ng StarStruck 3 Ultimate Sole Survivor na si Marky Cielo sa posibilidad na matalbugan siya ng magiging male winners sa ika-apat na batch ng artista search ng GMA-7, ang StarStruck The Next Level.

Sa ngayon ay apat na lang ang natitirang male survivors—sina Aljur Abrenica, Mart Escudero, Paulo Avelino, at Prince Stefan. Apat na lang din ang natitirang female survivors—sina Stef Prescott, Jewel Mische, Kris Bernal, at Jesi Corcuera.

Ayon kay Marky, ayaw niyang isipin na karibal ang sinumang mananalo sa latest batch ng artista search. Hindi rin naman daw ipinagkait sa kanya ng naunang dalawang winners ng StarStruck na maipakitang karapat-dapat siyang manalo at magkaroon ng puwang sa mundo ng showbiz.

"Aware din po ako na magkakaroon ng bagong batch," sabi ni Marky. "Pero sa akin naman po, bawat trabaho ay pinagbubutihan ko lang at naniniwala naman ako sa pana-panahon ng mga artista. Kaya nang nanalo ako, talagang ang aim ko, habang may mga project ay sinasamantala ko talaga.

"So habang panahon namin at nabibigyan kami ng projects, pinagbubutihan lang namin ang trabaho. Lahat ng chance at opportunity na nariyan, dapat ay samantalahin, e," positibo pa niyang pahayag sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last February 1.

"Hindi ko po iniisip na ma-threaten o anuman dahil may papalit na sa aming batch, hindi po sumasagi sa isip ko iyon. Okay lang naman ‘yon. Kasi kami naman nang manalo ay nai-welcome din ng Batch 1 and 2, kaya ganoon din dapat kami sa pagdating ng Batch 4."

Dagdag pa ng binatang taga-Mountain Province, "Nang dumating ang batch namin, okay naman. Nagsu-showdown kami sa sayawan ni Mark [Herras]. Ako naman, kahit hindi naman maging ganoong katulad [kasikat] ni Mark, okay lang sa akin. Basta nandiyan lang lagi, may project at hindi nawawala sa eksena, okay na sa akin 'yon."

Ipinahayag din ni Marky na kuntento at masaya siya sa kanyang career. Ito ay utang na loob daw niya sa Kapuso Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okay naman po ang career ko," sabi niya. "Kasi pagkatapos ng Bakekang ay nagkaroon naman ng Asian Treasures agad. Bukod pa po rito, kasama rin ako SOP at sa Startalk, nandoon kami lagi sa "Struck Attack." (Ang "Struck Attack" ay segment sa Startalk, kung saan tampok ang maiikling showbiz news.)

"Kaya nagpapasamat po ako nang lubos sa GMA-7 dahil patuloy nila akong pinagkakatiwalaan. Bilang kapalit naman, siyempre po ay pagbubutihan ko yung trabaho ko. Ako naman kasi, seryoso ako lagi sa aking trabaho at professional," pagtatapos ni Marky.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN