Wendy Valdez speaks up about "GKNB" incident

by Julie E. Bonifacio
Sep 22, 2008
Wendy Valdez (in photo) tearfully narrated that she cried over the incident that occurred when she joined Edu Manzano's show Pilipinas, Game Ka Na Ba?


Very emotional na nagpaliwanag si Wendy Valdez sa isyu sa kanila ng TV host na si Edu Manzano at staff ng game show niya na Pilipinas, Game Ka Na Ba? sa The Buzz kahapon, September 21. Ito ang kauna-unahang pagsasalita ni Wendy sa kanyang version sa naganap na pagwa-walkout niya diumano sa nabanggit na game show.

"Sobrang natatawa ako, Kuya Boy, kasi parang eto naman ang pinapalabas ang taas naman ng level ng inaaway ko. Naloloka ako doon," bungad ni Wendy pagkatapos siyang ipakilala ng host ng The Buzz na si Boy Abunda.


Inamin ni Wendy na hindi naman daw siya galit sa host at staff ng Pilipinas, Game Ka Na Ba?


"Nagkausap na po kami and I think it's okey now. Uhm, ito po'ng sasabihin ko, hindi po ako nandito para i-claim po o sabihin sa mga tao na tama ang sagot ko at ipagpilitan dahil sa totoo lang po sumama man ang loob ko nu'ng araw na ‘yun, after the show I cried and tapos na sa akin ‘yun. Tinanggap ko na po na kung mali man ang sagot ko dahil may rules and regulation at may mga taong nagdedesisyon sa show. So, inaccept ko na po siya."

Continue reading below ↓

Kasunod nito ay idinitalye ni Wendy ang nangyari sa kanya sa pagsali niya sa Pilipinas, Game Ka Na Ba?

"Ah, I think the question was, who is founder or father of Penthouse magazine. The choices was Bob Parker, Bob Green and Bob Guchione raw po siya. Sumagot si Jojo A [Alejar] Bob Green. So, dahil ako naman ahead P15,000 pa. Kahit mabawasan, ‘di ba ganu'n naman ‘yung game? Ahead pa rin ako. So, nag-isip muna ako. Choose na lang ako. I don't even know the right answer to the question I just want to guess it because multiple choice. So, I swipe and then sinabi ko Guchione? Gaya ng pagkaka-pronounce ko ngayon, ‘Guchione.'

"So, mabilis lang po talaga ang sagot ko because that's what I heard I from Mr. Edu and then he said, Guchione is correct. And then, nag-cut doon. He was the one who said Guchione is correct. And then, nag-cut doon. "Then there was a commotion and usap-usap what's happening, ganu'n-ganun.

Continue reading below ↓

Pero wala ako'ng ideya kung bakit nag-cut. Tapos nagkakaroon ng isip ko baka, nag-joke si Jason [Gainza] baka Buschione ang sinabi mo?'

"Sabi ko, what? Sabi ko, I know what I said and I will fight for it because that's what I said. Tapos nu'ng after five minutes or what nag-resume and then Mr. Edu said, "I'm sorry but you're wrong, The correct answer is Gu-chio-ne. So, elaborated talaga ang sabi niya. And I said, ‘this is not fair.'

"Sinabi ko po ‘yun doon. Ano po ba ang tamang sagot? Guchione. So, ang sinabi ko po Guchione. So, I think that's not fair kasi ‘yun ang sinabi ko. I swear to God I said the right answer."

Ipinarinig din daw kay Wendy ang VTR ng portion na ‘yun sa kanya. "Ah, Guchione po and may time pa po na sinabi ni Mr. Edu na, ‘Yeah, meron ako'ng naririnig na pini-playback pero mahina.'

Continue reading below ↓

"So, and then, lumabas po si Tito Edu kasi he feels na hindi siya dapat talaga ang nage-explain about it. But ako, I must admit that I freaked-out and I felt really bad that I cried and I wanted to go out. And then, I go out. I feel it's not fair because I think that's the right answer and that's what I've said. So, when I went out umiyak ako and then I said to Tito Edu I just imitated the way you pronounced it."

Naging mahinahon naman daw ang pag-uusap nila ni Edu taliwas sa mga naglabasan sa mga ilang pahayagan.


"Opo. And then, inistop niya po ako agad and sinabi niya sa akin na 'I understand, I believe you.' You don't have to explain anything to me but it's not my call, it' s theirs."

Paano naayos ang problema? "Uhm, nakiusap sa akin ang EP ng I Love Betty La Fea and my Mom kasi nga to continue the show and they explained to me na, uhm, hindi siya ganu'n ka-audible. Kung nasabi lang sa akin na hindi siya audible I would understand. kasi ang naging dating po mali yung sinabi ko which is like yung mga lumalabas sa tabloid na ‘shine' lang ang sinabi ko which is not true kasi.

Continue reading below ↓

"So, yun lang po. So, nung sinabi nila sa akin na yun talaga ang tamang sagot but hindi lang naging audible or whatever, naintidnihan ko po. At nag-resume po ako. Ako po ang nag-decide, okey i-continue na lang. Although, teary-eyed pa ako.

"And then I said to Tito Edu, sorry if I freaked out. And then, sabi niya ulit agad you don't have to feel sorry about anything. I understand."


Tanggap naman ni Wendy na naging emosyonal siya sa kanyang naging reaksyon sa pangyayari.

"Opo, ‘tsaka sa tooo lang sa pagkakakwento ko naman okey naman po ang ang naging paguusap namin ni Tito Edu and the staff of Game Ka Na Ba? Kaya lang po, actually, I don't want to say anything about it but may lumabas po na kung anu-ano. Siyempre ako na naman po yung masama.


IMAGE IN PBB.The former tenant of Pinoy Big Brother Season 2 opened up about her pent-up feelings regarding her stint in the reality show.


"I feel I need to say my side of the story. Kasi wala naman po talagang ganun na sagutan na ako na naman ang bastos or what. Pinipilit ko pong intindihin na after ng nangyari sa PBB kaya nila ako ginaganoon. Ang dali po kasi talagmg, gusto ko po'ng sabihin sa lahat na napakadaling magdikit ng masama at hindi totoong isyu sa akin dahil iniisip niolang madali yung paniwalaan ng mga tao dahil sa nangyari sa PBB.

Continue reading below ↓

"And ako, dahil bago lang po ako'ng artista hindi ako makakalaban. So, wala naman po ako'ng magawa lang. So, I just have to keep quiet. Uh, Kuya Boy, kung feeling ng mga tao na nagkamali ako sa Big Brother for that one mistake I did in Big Brother, gusto ko pong sabihin sa inyong lahat na sobra-sobra na po ako'ng nasaktan after noon.


"For almost a year and a half ng buhay ko halos gabi-gabi po ako'ng umiiyak at nagdadasal na sana parang awa ninyo na tigilan ninyo na ‘yung pagdidikit ng masasama at hindi totoo sa pangalan ko. Sana huwag ninyo naman ako'ng gawing libangan. Huwag ninyo naman po ako'ng ganyanin kasi alam ko po na iniisip ninyo na kalaban ako, matapang ako kaya tuluy-tuloy lang, kaya hindi ako kumikibo.

"Sa totoo lang Kuya Boy, tinitiis ko lang lahat dahil ayokong maawa sa akin ang pamilya ko. Pero ako po, awang-awa na po ako sa sarili ko. Pagod na pagod na po ako. Tama na parang awa ninyo na. Wala naman akong ginagawang masama sa inyo sa totoo lang.

Continue reading below ↓

"At alam ko po, yun sa sarili ko. Sa sarili ko hindi ninyo ako kilala bilang tao. Hindi ninyo po alam kung ano ang nasa puso ko. Diyos na lang ang ang kakampi ko at kung sino man ang taong naniniwala sa akin. Sana lang po tigilan ninyo na po ang pagbababoy sa pangalan ko.

"Kung anuman po ‘yung reason ninyo, kung anuman po ‘yung napapala ninyo doon, hindi ko naman po gusto na magustuhan ninyo ako bilang artista o bilang tao. Sana lang po isipin ninyo na kahit na alam ninyo na palaban ako o matapang ako, tao lang din po ako na marunong masaktan at sobra-sobra na po," umiiyak na pahayag ni Wendy.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wendy Valdez (in photo) tearfully narrated that she cried over the incident that occurred when she joined Edu Manzano's show Pilipinas, Game Ka Na Ba?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results