Does being a singer make Christian Bautista a more emotional actor?

IMAGE Noel Orsal

Christian Bautista admits his struggles as a newbie actor: "Ngayon siguro mas natuto ako. Nakakatulong pa rin ang music sa akin if I need to be emotional. Pero acting for me is still a learning process."



Malaking bagay kay Christian Bautista ang paglabas sa mga teleserye para mas mapagbuti pa ang kanyang kakayahan sa pag-arte at maihiwalay ito sa pagiging singer niya.

Kabilang si Christian sa cast ng Tagalog adaptation ng Korenovelang ilalabas ng GMA-7, ang My Love From The Star. Ito ay pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at ang model-turned-actor na si Gil Cuerva, sa direksyon ni Joyce Bernal.

Gaganap si Christian bilang isang mayaman na matagal nang may gusto sa karakter ni Jennylyn, pero kaibigan lang ang pagtingin nito sa kanya.


ON HIS ROLE.
Paglalarawan pa ni Christian sa kanyang role, “Yung si Winston sa story na ito, he’s the son of a businessman, para siyang anak ni [Jaime Zobel de] Ayala, anak ni Henry Sy.

“Ganon ang peg ni Direk Joyce.

“Wala siya sa limelight pero he has power, he has money, he can buy anything.

“Meron siyang scene doon kung napanood ninyo sa Koreanobela na pinasara niya ang buong Enchanted Kingdom para sa buong party ni Steffi [na ginagampanan ni Jennylyn].

“Kasi kaya niya.

“At nung sabi ni Steffi na, ‘Dapat walang mga roses ka diyan, ha?'

“'Wala, wala! Tanggal lahat 'yan.'

“Ganon siya ka-powerful, hindi niya gusto ang fame.

“So, inaral ko at binasa ko ang how the one percent lead. At yun ang inaral ko.

“Pero money can’t buy for Winston na kahit ino-offer na niya ang lahat ng pera niya para ma-save si Steffi, dahil minsan wala siyang career, hindi pa rin.

“Kasi si Steffi is looking for real love.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Christian sa presscon ng My Love From The Star noong May 18 sa Studio 7 ng GMA-7.

Inamin niyang nasa proseso pa rin siya ng pag-aaral sa acting at pagkabisado ng bawat linyang binibitiwan niya sa eksena.

STILL WORKING ON HIS ACTING CHOPS. Hindi naman daw ito mahirap gawin, dahil hindi naman daw ito naiba sa nakasanayan niyang pag-memorize ng lyrics ng mga kanta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ni Christian, “Ngayon siguro mas natuto ako.

“Nakakatulong pa rin ang music sa akin if I need to be emotional.

“Pero acting for me is still a learning process.

“I’m so glad I’m part of the show and I’m glad Direk Joyce is being there kasi talagang parang nawu-workshop kami before every scene.

“So, minsan sabihin niya, ‘Ang hinahanap kasi natin yung puso talaga.’

“Kahit yung script maiba nang konti basta ma-feel ka talaga, e.

“I’m so grateful to her.”

WORKING WITH JENNYLYN. Masarap raw sa pakiramdam ang pakikipagtrabaho ni Christian kay Jennylyn dahil sa pagiging mabait nito at professionalism nito sa bawat eksenang ginagawa nila.

Patuloy pa niya, “At the end of the day pag tengga [walang take], kuwentuhan.

“I’m very glad I’m working with her.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN