Why did Gil's kissing scene with Jennylyn in My Love From The Star reach nine takes?

by Rose Garcia
May 21, 2017
My Love from the Star lead actor Gil Cuerva on his kissing scene with Jennylyn Mercado: "Siyempre si Jennylyn yun, di ba? Talagang nahiya ako, kinabahan ako. Hindi lang basta-basta, ka-kissing scene ko si Jennylyn pa talaga. I guess, a lot of nervousness came out and it took a lot of tries para mawala yun."  


Nabalitang umabot daw ng nine takes yung kissing scene nina Gil Cuerva at Jennylyn Mercado sa bagong Kapuso fantaserye nilang My Love from the Star.

Bakit umabot ng ganung katagal yung shoot nila?

"Very particular kasi si Direk [Joyce Bernal].

“Gusto niya ramdam na ramdam.

“Tapos may certain blocking po.

“Tapos, yung hinila ko si Jen, it was actually a lot harder to take," pag-amin ng newbie Kapuso leading man na si Gil nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa grand presscon ng My Love from the Star.

Bakit hindi naramdaman ni Direk Joyce? Nahihiya ba siya kay Jennylyn?

Pag-amin ni Gil, "Siyempre si Jennylyn yun, di ba?

“Talagang nahiya ako, kinabahan ako.

“Hindi lang basta-basta, ka-kissing scene ko si Jennylyn pa talaga.

"I guess, a lot of nervousness came out and it took a lot of tries para mawala yun.

“Para lang I'm just part of the scene at ma-enjoy ko."

Continue reading below ↓

Paano naging okay na ang take nila? Sinabi ba ni Jen na ayusin o galingan na niya?

Pakli niya, "Hindi naman, parang both of us, parang, 'Oy, galingan na natin para tapos na.'"

Hindi ba siya good kisser?

"Hindi naman po, nahiya lang," natawang sagot ng newbie actor.

"Siyempre kinabahan lang po ako."

NO SEX VIDS. Bilang isang modelo, inamin ni Gil na mas kumportable pa raw siya nang gawin niya ang shower scene niya na nakahubad siya kumpara sa ginawa nilang kissing scene.

Paliwanag niya, "In a way, kasi siyempre, walang other person factor, ako lang naman.

"Sa modeling kasi, ang dami ko nang beses na nag-shirtless."

Tuloy, naitanong namin kay Gil kung hindi kaya katulad din siya ng ibang mga male actors na pagtagal-tagal, may mga sex o video scandal na lumalabas.

"Wala po," nakangiti niyang sabi.

"Wala po e, wala po talaga 'ko, e.

“Confident na confident.

Continue reading below ↓

“Kahit hanapin pa po nila, wala po.

“Promise, wala po."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
My Love from the Star lead actor Gil Cuerva on his kissing scene with Jennylyn Mercado: "Siyempre si Jennylyn yun, di ba? Talagang nahiya ako, kinabahan ako. Hindi lang basta-basta, ka-kissing scene ko si Jennylyn pa talaga. I guess, a lot of nervousness came out and it took a lot of tries para mawala yun."  
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results