Bianca Umali on "pantasya ng bayan" tag: "Pag pantasya ba, maganda po ba ang ibig sabihin nun?"

IMAGE James Patrick Anarcon

Bianca Umali feels thankful to be given Lawiswis role in Mulawin vs Ravena.



Dahil kita ang magandang hubog ng katawan ni Bianca Umali sa Lawiswis costume niya sa Mulawin vs Ravena, tiyak na marami ang mga kalalakihang magpapantasya sa kanya.

“Uy, grabe! Hindi ko po alam…

“Pantasya po talaga? Hala! Hindi ko po alam kung ano po ang reaksyon ko dun pero basta po ang alam ko is ginagawa ko pong physically ready yung sarili ko for the show. Iyon po.”

Handa ba siyang maging pantasya ng bayan?

“Compliment po ba iyon?” at tumawa si Bianca. “Pag pantasya ba, maganda po ba ang ibig sabihin nun?”

Paano kung siya na ang maging bagong crush ng bayan?

“I guess I’ll take it as a compliment kasi naa-acknowledge yung hirap na ginagawa ko, yung effort ko physically. Kumbaga nabibigyan ko ng justice and napapanindigan ko yung mga ginagawa ko and I’m happy na napapansin siya ng mga tao.”

Nakausap namin si Bianca sa grand launch ng Mulawin vs Ravena na mapapanood na simula ngayong gabi, May 22, sa GMA-7.

Lalong dumami ang nagsasabi na siya nga ang next Marian Rivera ng GMA sa ganda, kaseksihan at takbo ng career.

“Sana po.”

Aminado si Bianca na may pressure iyon sa parte niya.

“Meron po talaga. Hindi naman po mawawala iyon kasi siyempre baka po hindi mapantayan yung expectations ng mga tao sa iyo. But ako po, I just hope na lahat po ng tao alam nila na ginagawa ko yung best ko sa lahat.”

"Dati, kapag napag-uusapan ang remake ng Mulawin, may mga nag-assume o umaasa na ang papel ni Alwina ang gagampanan ni Bianca, with Miguel Tanfelix, Bianca’s loveteam, ang magiging si Aguiluz.

Bata pa si Bianca ay pinapanood na niya ang orihinal na Mulawin series at isa sa mga karakter na paborito niya ay si Alwina na 13 years ago ay ginampanan ni Angel Locsin.

Sa upcoming Mulawin vs Ravena ng GMA, si Bianca ay gaganap bilang si Lawiswis at si Miguel ay gaganap bilang si Pagaspas.

Si Heart Evangelista ang pinagkalooban ng papel bilang si Alwina, at dahil patay na si Aguiluz sa kuwento ay si Gabriel ang bidang lalaki na gagampanan naman ni Dennis Trillo.

Hindi raw sumama ang loob ni Bianca kahit hindi siya si Alwina.

“Okay lang po! I didn’t feel bad, actually naging sobrang masaya pa nga po ako kasi binigay sa akin yung role or binigyan ako ng opportunity na makasama sa Mulawin vs Ravena.

“Actually malaking bagay na po iyon sa akin talaga na maging parte ng show na ito kasi dati talaga po sinusubaybayan ko lang, e, na costume ko siya [Alwina], pag Halloween.

“Tapos ngayon kasama na po ako sa actual cast.”

Mas pinahaba, pinalaki at isa sa mga bida si Lawiswis (na ginampanan ni Sam Bumatay noon) sa Mulawin vs Ravena ngayong 2017 kaya masayang masaya si Bianca to portray the role.

“At saka since it’s a continuation nga po…”

Biniro namin si Bianca kung mayroon ba siyang naramdamang inis kay Heart?

“Ay grabe po, wala po, wala naman,” at tumawa si Bianca.

Sa tingin ba niya dahil bata pa sila ni Miguel kaya hindi sa kanila ibinigay ang Alwina at Gabriel roles?

“I think it’s because magpo-focus yung story sa… paano ba? Mas mabibigyan siguro namin ng justice ni Miguel si Lawiswis at saka si Pagaspas, kasi sa first part I think tapos na po na po kasi yung story ni Alwina saka ni Aguiluz so now ipapakita na po nila yung next generation at kami po iyon.”

Kaya ba ang mga bida sa Mulawin vs Ravena ay sina Dennis, Heart, Miguel at Bianca?

“Hindi ko po masasabi, hindi ko po alam kung sino kasi for us po talaga it’s a teamwork, e. For all of us po kasi nakikita po namin siya as every role malaki yung parte.

“Kumbaga kung wala si ganito, hindi mangyayari yung ganito, walang ganito, ganun po siya.”




ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN