Jennylyn on MLFTS replacing Alden-Maine teleserye: "May pressure, siyempre, kasi AlDub 'yan."

IMAGE GMA Drama

Jennylyn Mercado reacts to My Love From The Star replacing the Alden-Maine teleserye Destined To Be Yours. Gil Cuerva is the newbie actor who will be Jennylyn's leading man. 



Ano ang pakiramdam ni Jennylyn Mercado na ang papalitan ng show niyang My Love From The Star ay ang Destined To Be Yours ng AlDub love team nina Alden Richards at Maine Mendoza?

Magtatapos ang DTBY ngayong Biyernes, May 26, sa GMA-7 kaya ang pilot episode ng MLFTS ay mapapanood na sa Lunes, May 29

“May pressure, siyempre, kasi AlDub 'yan, e, di ba?

“So… ang daming fans ng AlDub. Kasi di ba sa dami ng supporters nila, so parang…”

May nabanggit kay Jennylyn na marami siyang supporters na mga K-pop fans.

“Talaga? Totoo ba? Hindi ko alam.”

Bukod sa pressure, excited si Jennylyn sa pag-ere ng MLFTS.

“Siyempre! Sobrang happy kami kasi finally… ano ba, last year pa dapat… pero.

“Di ba, ang tagal-tagal na nito so…”

Ano ang pakiramdam niya na mapapanood na ang Philippine adaptation ng My Love From The Star ng isang malaking Korean project?

“Excited kami na kinakabahan kasi siyempre yung expectations ng mga tao.

“Napanood na nila ito, e! So kailangan kahit papano mailaban din namin kahit konti,” at tumawa si Jen.

Wala pa naman daw siyang bashers na nae-encounter.

“Pero sabi marami daw, hindi kasi ako masyadong active sa [social media].”

Dahil baguhan si Gil Cuerva na leading man niya sa MLFTS, in a way, si Jen ang magdadala ng show.

“In fairness naman kay Gil, talagang very willing siya na matuto tapos open siya sa lahat ng mga sasabihin sa kanya talagang gina-grab niya, ginagawa niya.

“At napakabait na tao.”

Hindi ba siya nahirapan na baguhan ang ipinareha sa kanya?

“Everytime naman na may bago mahirap, e. Di ba, hindi mo siya kilala personally tapos magtatrabaho kayo. Pero na-appreciate ko siya ng sobra kasi ano siya, e, ang dami niyang tanong!

“Gusto niyang palaging nalalaman lahat, napaka-curious niyang tao. So pag ganun di ba, willing siya talaga na matuto.”

Rebelasyon pa ni Jennylyn, ang MLFTS project at ang role niya bilang si Steffi Chavez ang pinakamahirap na ginawa niya sa buong buhay niya. 

“Light siya pero hindi siya light, sa totoong buhay kasi umaarte siya ng masaya, masaya, masaya, luka-luka pero kailangan yung mata mo malungkot, ganun.

“Kasi malungkot siyang tao talaga, ganun, so mahirap siya.

“Mahirap talaga siya.”



Stories We Are Tracking

Gil Cuerva bungles up kissing scene with Jennylyn in MLFTS
Gil Cuerva bungles up kissing scene with Jennylyn in MLFTS
Jennylyn on newbie co-star:
Jennylyn on newbie co-star: "Kulang ang GMA ng leading men."
Gil on kissing scene with Jennylyn for My Love From The Star
Gil on kissing scene with Jennylyn for My Love From The Star









ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN