Gabby Eigenmann on upside of playing villain roles: "Stress-free ang maging kontrabida."

IMAGE Noel Orsal

Gabby Eigenmann doesn't mind playing villain roles for now: "Kapag bida ka kasi, ang laking responsibility. Kapag hindi nag-rate ang pinagbidahan mong teleserye, ang sisi ay nasa iyo."


Balik-kontrabida si Gabby Eigenmann sa My Love From The Star bilang si Jackson Libredo na isang corrupt CEO ng family business nila.

Huli siyang napanood sa Sa Piling Ni Nanay kunsaan kontrabida rin siya.

Hindi ba nami-miss ni Gabby ang magbida ulit sa isang teleserye?

Huli siyang nagbida sa teleserye na Dading noong 2014.

“Siyempre, nami-miss ko rin.

“Pero nami-miss ko rin ang magkontrabida.

“Kapag bida ka kasi, ang laking responsibility.

“Kapag hindi nag-rate ang pinagbidahan mong teleserye, ang sisi ay nasa iyo.

“Kaya mas masarap maging kontrabida kasi napaglalaruan mo ang kahit na anong role.

“Walang masyadong bigat sa balikat mo bilang aktor kasi hindi naman ikaw ang bida.

“Stress-free ang maging isang kontrabida,” natatawang pahayag ni Gabby sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa grand press launch ng GMA-7 teleserye na My Love From The Star sa GMA Annex Building kamakailan.

HAPPY FOR JENNYLYN. Masaya si Gabby dahil muli niyang nakasama sa isang teleserye ang Kapuso Ultimate Star na si Jennylyn Mercado bilang si Steffi Chavez.

Saksi kasi si Gabby sa pag-evolve ni Jen mula sa pagiging baguhan sa showbiz hanggang sa maging mahusay itong aktres sa TV at pelikula.

Pagmamalaki niya, “Jennylyn has come a long way.

“Kasi una kong nakatrabaho si Jen was in 2004 sa teleserye na Forever In My Heart.

“Kakapanalo pa lang nila ni Mark Herras sa Starstruck.

“Then, nakasama ko ulit si Jen sa I Luv New York and Super Twins.

“Hanggang sa SOP. I also did a movie with her na Half-Blood Samurai.

“Nakakatuwang isipin na survivor talaga si Jennylyn.

“I mean, sa mga pinagdaanan niya sa buhay, may ibang tao na magi-give up na lang.

“But Jen is a very strong woman, kaya hanggang ngayon nandito pa rin siya and I am happy to be working with her again.”

CITIZEN JAKE. Bukod sa teleserye, ginawagawa rin ni Gabby ang pelikulang Citizen Jake na comeback film ng award-winning film director na si Mike de Leon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sobrang honored si Gabby na makatrabaho si Direk Mike dahil nadirek nito ang kanyang amang si Mark Gil sa pelikulang Batch ’81.

Ang pangalan ng character ni Mark sa Batch ’81 ay Sid Lucero na ginamit na screen name ng anak niyang si Timothy Eigenmann.

Kuwento niya, “The feeling is surreal, kasi I’m working with the same people who made Batch ’81 na pinagbidahan ng dad ko.

“When they asked me to do a reading for the movie, wala akong expectations.

“But deep inside, I wished na makuha ako kahit na sa anong role kasi I want to work with THE Mike de Leon.

“Nagulat na lang ako when I got a call and they said I got the part in the movie.

“Ang maganda pa is kasama rin sa cast si Tita Cherie [Gil], Dina Bonnevie, Victor Neri, Nonie Buencamino and Atom Araullo.

“Ngayon, na-experience ko na kung paano makatrabaho ang isang Mike de Leon.

“He’s so meticulous at gusto niya perfect lahat ng mga eksena niya.

“Kaya sobrang proud ako to be part of his comeback at malalagay sa film credits ko na nadirek ako ni Mike de Leon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN