Did Glydel Mercado channel Annabelle Rama for stage-mom role in My Love From The Star?

IMAGE Noel Orsal

Glydel Mercado admits to taking inspiration from former manager Annabelle Rama for her role as a stage mom in GMA-7's My Love From The Star: "Kuhang-kuha ba? Actually, hindi naman sinadya. Siguro I took a little of her for my character, tapos yung iba ako na ang gumawa. Pinaghalo ko na lang."


For the first time ay ipapakita ng award-winning actress na si Glydel Mercado ang kanyang comic side sa GMA-7 primetime series na My Love From The Star.

Bihira raw kasing mabigyan ng comedy role si Glydel sa isang teleserye, at kadalasan ay mga mabibigat na drama ang ginagawa niya.

Ayon kay Glydel, “For a change naman, di ba? Napahinga ako sa iyakan.

“Kasi for the past five years, puro matitinding iyakan sa teleserye ang ginawa ko.

“Yung huling teleserye ko was Sinungaling Mong Puso.

"Before that, I did Wish I May, Rich Man’s Daughter, Rhodora X, Lihim ni Annasandra, and My Husband’s Lover.

“Masakit na sa dibdib at sa lalamunan ang parati kang umiiyak.

“At least now, luka-lukahan lang ako as Lynelle Chavez, ang stage mom ni Steffi Chavez [Jennylyn Mercado].

“Kami ni Melissa Mendez ang magkaaway dito kasi anak naman niya si Jackie Rice na artista rin.

“Si Melissa naman, sosyal siyang stage mother.

“Yung pa-English-English siya.

“Ako, jologs lang, yung trying hard kaya nakakatawa lang!”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Glydel sa press launch ng My Love From The Star, sa Studio 7 ng GMA Annex Building, noong May 18.

ACTING PEG. Natawa lang si Glydel nang tanungin kung si Annabelle Rama ba ang peg niya sa kanyang stage-mother role sa My Love From The Star.

Si Annabelle kasi ang unang naging manager ni Glydel nang pumasok siya sa pag-aartista at naging miyembro ng That’s Entertainment.

Ilang taon ding hinawakan ni Annabelle si Glydel, hanggang sa maghiwalay sila ng landas at iba na ang humawak ng career niya noong nagkaroon ng sexy image ang aktres.

Kaya kabisado raw ni Glydel ang kilos at pananalita ni Annabelle noong manager pa niya ito, at iyon ang nakita ng marami sa pagganap niya sa role as Lynelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kuhang-kuha ba?” malakas na tawa ni Glydel.

“Actually, hindi naman sadya.

“Kasi, noong sabihin sa akin na stage mother ang role ko, una kong naisip si Tita Annabelle.

“E, kahit sino naman, si Tita ang unang maiisip, kasi nakilala siya sa pagiging stage mother, di ba?

“Naku, ayokong ma-offend si Tita sa akin kasi matagal na kaming bati niyan.

“Siguro I took a little of her for my character, tapos yung iba, ako na ang gumawa. Pinaghalo ko na lang.

“Sabi rin kasi ni Direk Joyce [Bernal] na i-enjoy ko lang ang role ko.

“Isipin ko na may anak akong nag-aartista at pakialamera ako.

“Kaya hayan, akala tuloy nila si Tita Annabelle.

“Hindi todo, konti lang!” tawa pa ulit ni Glydel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN