Sylvia Sanchez: "Sinasabi nga raw na choosy na ako, of course, namimili ako ngayon."



Aminado si Sylvia Sanchez na gusto niya munang lumayo sa role ni Gloria sa The Greatest Love Of All sa pagpili ng roles na tatanggapin niya.

Hindi naman daw ibig sabihin nito ay namimili na siya ng mga papel na gagampanan sa mga susunod niyang proyekto.

Pahayag niya, "May mga offer sa akin ngayon, pero pag-uusapan pa.

"Meron naman, and yes, sinasabi nga raw na choosy na nga ako, of course, namimili ako ngayon.

"Why? Ang dumadating sa akin, parang Gloria, e.  

“Gusto ko iba, kasi ang hirap i-tap ng Gloria… ang hirap talaga, so ang kailangan ngayon, maiba totally.

"Yun ang pinipilit ko."

Inaasahan ba ni Sylvia na ganito ang magiging epekto sa kanyang acting career nang tanggapin niya ang role ng isang babaeng may Alzheimer's disease?

Tugon niya, "Alam ko, mamahalin nila si Gloria, magugustuhan yung The Love…

“Pero 'di ko talaga ini-expect yung mga kabi-kabilang awards na natatangap ko ngayon.

"Kasi nung tinanggap ko naman [yung role], hindi ko naman inisip na, 'Oy, magkaka-award tayo dito.'

"Nung tinanggap ko yun, ang sabi ko, 'Mahahalin ako dito ng tao bilang si Gloria.'"

Excited na rin siya sa gagawin niyang movie sa Cinema One Originals 2017 na isang horror film ngunit sa July pa sila magsisimulang mag-shooting.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sylvia sa media launch ng kauna-unahan niyang beauty product endorsement na BEAUTeDerm.

ALL IN THE FAMILY. Nagkakantiyawan nga raw sila sa pamilya na lahat sila ay nasa showbiz na.

Katatapos pa lang ni Arjo Atayde sa FPJ: Ang Probinsyano at marami ang humanga sa pagganap nito bilang Joaquin.

Si Ria Atayde naman ay pinupuri sa galing nito bilang Doc Gia sa My Dear Heart.

Natatawang saad ni Sylvia, "Sobra! Katulad nitong bagong endorsement, kantiyaw nila sa akin, 'Oy, 'di nagpapahuli, meron siyang endorsement.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

For the first time kasi sa 27 years niya sa showbiz ay kinuha siyang endorser ng isang beauty product.

Kuwento pa niya, "Tapos ngayon, kantiwayan kami kasi wala na si Gloria, wala na si Joaquin, susunod na rin siguro si Doc Gia.

“So lahat kami jobless.  Hahaha! Ginagawa na lang naming katatawanan na lang."

Pero ang isa talaga raw na pangarap niya ay makasama niya sina Arjo at Ria sa iisang project.

Ani Sylvia, "Of course, pangarap ko 'yan na makasama ko ang mga anak ko.

"Wala pa, merong mga nag-offer, pero depende yun, pag-uusapan."

NO FEAR. Kung susuriin, binibiyayaan nga silang mag-iina ng magandang karera sa showbiz.

Kaso lang, walang katiyakan kung ano ang magiging kasunod nito.

Sabi naman ni Sylvia, "A, thank you lang, thank you Lord lang.

“Ganito lang yun, kung magpapatalo ako sa takot, ako ang loser, e.

"Basta lagi lang na, 'Lord, kung nangyayari man ito, alam kong meron Kang misyon para sa akin, para sa mga anak ko.

“Your will be done, bahala Ka na.'

"Basta, ang alam ng Diyos, hindi ko pinabayaan ang pamilya ko.

"Ang lagi kong sinasabi ko, ang key ko sa langit, ang nanay ko.

"Yun lang po, at saka, kapag nagmahal ako ng isang tao, totoong mahal ko, at walang halong kaplastikan.

"Basta gumawa ka lang ng maganda sa kapwa mo na hindi mo ipinapaalam, kahit ikaw ang may alam at ang Diyos.

“Siguro yun talaga ang matinding... kaya lahat ito nangyayari [sa akin]."



Stories We Are Tracking

Sylvia Sanchez turned down roles after The Greatest Love
Sylvia Sanchez turned down roles after The Greatest Love




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN