Ejay Falcon inks co-management deal with PPL; to transfer to another network?

IMAGE Rose Garcia

Despite being a Star Magic artist, Ejay Falcon inked a co-management deal with PPL Entertainment Inc: "Siguro may hinahanap lang ako, dagdag na trabaho. Kasi sa Star Magic, nandoon naman ang pag-aalaga nila. Kaya lang siguro siyempre, marami kami sa isang handler. Okey naman, nagagawa naman, pero siyempre iba lang din ang may iba pa."


Bukod sa Star Magic ng ABS-CBN, opisyal na ring co-managed ng PPL Entertainment, Inc. ni Perry Lansingan ang Kapamilya star na si Ejay Falcon.

Magiging kapatid na rin ni Ejay sa kanyang bagong PPL management family ang mga artistang tulad nina Dingdong Dantes, Jolina Magdangal, Gabby Eigenmann, Rochelle Pangilinan, Wendell Ramos, Geoff Eigenmann, at iba pa.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ejay sa opisina ng PPL office sa Quezon City noong May 31, at dito niya ipinaliwanag kung bakit kumuha pa siya ng co-manager.

"Siguro may hinahanap lang ako, dagdag na trabaho.

“Kasi sa Star Magic, nandoon naman ang pag-aalaga nila.

“Kaya lang siguro siyempre, marami kami sa isang handler.

“Okey naman, nagagawa naman, pero siyempre iba lang din ang may iba pa."

Dugtong pa niya, "Gusto ko lang din siguro na may tututok sa akin at dalawa silang mag-iisip for me."

Pero bakit niya naisipang kay Perry magpa-manage?

Paliwanag niya, "Matagal na kasi kaming magkakilala ni Perry.

"Sa Bench pa lang, kilala ko na siya.

“At saka noong campaign ni PNoy, sila ang may hawak, kinukuha nila ako."

Pumayag naman daw ang Star Magic sa co-management deal nila with PPL Entertainment, Inc.

Ang dati niyang co-manager ay si Benjie Alipio.

Nilinaw naman ni Ejay na okey pa rin sila hanggang ngayon kahit hindi na ito ang manager niya.

Saad niya, "Okey pa rin kami, nagla-like pa rin nga sa mga Instagram posts ko.

“At saka, personal kasi kami, parang pamilya na.

"Sa PPL naman, business kasi ang pinasok ko.

“Si Benjie, part na siya ng family.

“Palagi ko rin siyang kasama sa Mindoro, so hindi naman mawawala yun.

“Close din siya sa family ko."

NETWORK TRANSFER PLANS? Dahil sa pagpili niya ng co-manager, may posibilidad kayang lumipat din siya ng ibang network?

Tanggi niya, "Sa ngayon, hindi ko pa 'yan naiisip.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, unang-una, ang dami ko pang ginagawa.

“Papasok pa ako sa Ang Probinsyano at may teleserye pa, yung The Promise of Forever."

Bagamat may mga artista si Perry na nasa Kapamilya network, masasabing mas identified pa rin ito sa Kapuso network.

Kaya puwedeng isiping baka iniisip niya rin ang lumipat ng network.

Aniya, "Sa ngayon kasi, naka-focus talaga ako sa ginagawa ko ngayon."

Hindi rin naman daw niya isinasara anumang posibilidad pagdating ng araw.

Sabi nga ni Ejay, "Masarap din naman na nakakatrabaho ang ibang tao, ang ibang artista; ibang taga-production, ibang environment."

Pitong taon pa lang din naman sa showbiz si Ejay.

Masasabi naman daw niyang napakalaki na ng ipinagbago ng buhay niya ngayon kumpara noong wala pa siya sa mundo ng showbiz.

Ani Ejay, "Kasi, kung iku-compare ko naman ang buhay ko ngayon sa buhay ko dati, siyempre sobrang masaya naman ako.

"Parang magiging choosy pa ba ako?

“Thankful naman ako. Pero yun nga, sabi ko nga, may mga hinahanap ako na mga trabaho outside."

Ilan sa mga trabaho raw na sana magawa niya rin ay magkaroon ng endorsements at makagawa rin ng indie films.

MAN OF ACTION. Mas gusto raw ni Ejay na gawin talaga ay action.

Kaya masaya at excited ito sa pagkakasama sa book 2 ng Ang Probinsyano.

Saad niya, "Gusto ko talaga ang action.

“Binigay sa akin dati ang Dugong Buhay.

“Marami rin akong ginawang indie, ipinapalabas sa mga cable channels ng ABS-CBN.

"At ngayon nga, magpo-Probinsyano.

“Alam naman natin ang action, ang hirap din, unlike Probinsyano na nakatayo na.

"Pero ngayon, kahit ano naman.

“Nakakapag-drama naman ako. Nakapag-sexy ako sa Pasion de Amor.

“Kung kaya na dramatic-sexy-action sa isang serye, kahit alin dun."

Lalabas naman si Ejay bilang isa sa mga miyembro ng SAF (Special Action Force) sa AP.

Ikalawang pagkakataon na nila ni Coco na magkakasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Ejay, "Kung naaalala niyo po, noong ginawa namin ang Mamasapano sa MMK dati, medyo ganun ang plot, mauulit siya. Same yung plot."

Hindi raw niya alam kung si Coco mismo ang nagrekomenda sa kanya.

Umabot naman ng isang taon simula nang mag-taping sila sa Europe para sa teleserye na The Promise of Forever na pinagbibidahan din nina Paulo Avelino at Ritz Azul.

Naiinip na rin ba siya na hindi pa ito umeere?

"Well, siyempre nakakalungkot, kasi lahat kami excited noong ginawa namin.

"Sana malapit nang maipalabas. Naka-can na rin kasi yun," pahabol niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN